VeritasPH

The Word, The Truth

HUWEBES, SETYEMBRE 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,091 total views

Kapistahan ni Apostol San Mateo,
manunulat ng Mabuting Balita

Efeso 4, 1-7. 11-13
Salmo 18, 2-3. 4-5

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Mateo 9, 9-13

Feast of St. Matthew, Apostle (Red)

UNANG PAGBASA
Efeso 4, 1-7. 11-13

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging mapagpakumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumikatan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa rin ang Espiritu; gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat.

Ang bawat isa sa ati’y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo. Ang iba’y ginawang apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y tagapaghatid ng Mabuting Balita, ang iba’y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng kanyang simbahan. Sa gayun, tayong lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 2-3. 4-5

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila!
Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!
Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang.
Patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi’t araw.

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay,
at wala ring naririnig na kahit na anong ingay;
gayun pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig,
ang balita’y umaabot sa duluhan ng daigdig.

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Mga tapat na apostol
ay nagpupuri sa Poon
sa langit habang panahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 9-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, umalis si Hesus at sa kanyang paglakad, nakita niya ang isang taong ang pangala’y Mateo: nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya.

Nang si Hesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila’y magkakasalong kumain. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit sumasalo sa mga publikano at mga makasalanan ang inyong guro? Narinig ito ni Hesus at siya ang sumagot, “Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko at hindi hain.’ Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
San Mateo

Ang buhay ni San Mateo ay binago ng pagtawag at hamon ng Guro. Nawa ang aming mga panalangin ay magpahayag ng pagbabago ng buhay at maging sensitibo kami sa mga pangangailangan ng iba.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapatawad, maging mapagpala ka sa amin.

Ang mga programa para sa pagpapanibago nawa’y maging tanda ng ating buhay-Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin ang hamon at tawag sa pagbabalik-loob sa halip na mahikayat sa pang-aakit ng mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may kinalaman sa mga bagay tungkol sa pananalapi nawa’y hindi matuksong ipagpalit ang kanilang kaluluwa para sa kayamanan at kapangyarihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may kahinaan sa kanilang espiritwal na buhay nawa’y humanap ng tulong sa Sakramento ng Pakikipagkasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng mga panalangin ni San Mateo, tanggapin mo ang mga kahilingan ng iyong bayan, ang bagong Israel na tinipon ng biyaya ng iyong Muling Nabuhay na Anak, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 2,848 total views

 2,848 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 18,834 total views

 18,834 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 26,879 total views

 26,879 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,959 total views

 31,959 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,665 total views

 37,665 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Watch Live

DONATE NOW
Shadow

Related Story

MIYERKULES, HULYO 17, 2024

 346 total views

 346 total views Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod sa kanyang hirang na lingkod. Mateo 11, 25-27 Wednesday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 10, 5-7. 13-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang

Read More »

MARTES, HULYO 16, 2024

 833 total views

 833 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Zacarias 2, 14-17 Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55 D’yos ay Makapangyarihan, Banal ang kanyang pangalan. o kaya Mahal na Birheng Maria, Ina ng Anak ng Ama. Mateo 12, 46-50 Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White) UNANG PAGBASA Zacarias 2, 14-17

Read More »

LUNES, HULYO 15, 2024

 1,538 total views

 1,538 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 10, 34 – 11, 1 Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang

Read More »

LINGGO, HULYO 14, 2024

 1,804 total views

 1,804 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Amos 7, 12-15 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Efeso 1, 3-14 Marcos 6, 7-13 Fifteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 7, 12-15 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Noong mga araw na iyon, hinarap ni Amasias, ang

Read More »

SABADO, HULYO 13, 2024

 2,121 total views

 2,121 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33 Saturday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

BIYERNES, HULYO 12, 2024

 2,321 total views

 2,321 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman ang dakila mong pangalan. Mateo 10, 16-23 Friday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 14, 2-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ito ang sinasabi

Read More »

HUWEBES, HULYO 11, 2024

 2,666 total views

 2,666 total views Paggunita kay San Benito, abad Oseas 11, 1-4. 8k-9 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16 Poon kami’y ‘yong iligtas at tanglawan ng ‘yong sinag. Mateo 10, 7-15 Memorial of St. Benedict, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Oseas 11, 1-4. 8k-9 Pagbasa mula

Read More »

MIYERKULES, HULYO 10, 2024

 2,396 total views

 2,396 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Hanapin ang Poon lagi, sa harap n’ya manatili. Mateo 10, 1-7 Wednesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ang

Read More »

MARTES, HULYO 9, 2024

 2,768 total views

 2,768 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga martir Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan ng D’yos, papurihan mo s’yang lubos. Mateo 9, 32-38 Tuesday of the Fourteenth Week in

Read More »

LUNES, HULYO 8, 2024

 3,333 total views

 3,333 total views Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Mateo 9, 18-26 Monday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Pagbasa mula sa aklat ni propeta

Read More »

SABADO, HULYO 6, 2024

 3,531 total views

 3,531 total views Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Amos 9, 11-15 Salmo 84, 9. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y papayapa. Mateo 9, 14-17 Saturday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

BIYERNES, HULYO 5, 2024

 3,512 total views

 3,512 total views Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Zacarria, pari Amos 8, 4-6. 9-12 Salmo 118, 2. 10. 20. 30. 40. 131 Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal. Mateo 9, 9-13 Friday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Anthony Zaccaria,

Read More »

HUWEBES, HULYO 4, 2024

 3,732 total views

 3,732 total views Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Isabel na taga-Portugal Amos 7, 10-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Matuwid ang kahatulan ng Panginoon ng tanan. Mateo 9, 1-8 Thursday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Elizabeth of Portugal, Married Woman, Queen (White) UNANG

Read More »

MIYERKULES, HULYO 3, 2024

 3,533 total views

 3,533 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast of St. Thomas, Apostle (Red) UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi

Read More »

MARTES, HULYO 2, 2024

 3,105 total views

 3,105 total views Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Salmo 5, 5-6. 7. 8 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Mateo 8, 23-27 Tuesday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Pakinggan ninyo,

Read More »
Scroll to Top