Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, SETYEMBRE 20, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,288 total views

Paggunita kina San Andres Kim Taegon, pari at martir, San Pablo Chong Hasang, at mga kasama, mga martir

1 Timoteo 3, 14-16
Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Lucas 7, 31-35

Memorial of St. Andrew King Taegon, Priet and St. Paul Chong Hasang, and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 3, 14-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, malaki ang pag-asa kong magkikita tayo sa lalong madaling panahon. Gayunma’y sinulat ko rin ang mga tagubiling ito upang hindi man ako makarating agad ay malaman mo rin ang dapat ugaliin sa sambahayan ng buhay na Diyos, sa simbahan na siyang haligi at saligan ng katotohonan. Napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihiyon:
Siya’y nahayag nang maging tao,
at pinatotohanan ng Espiritu,
nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa sanlibutan,
pinaniwalaan ng lahat,
at sa langit ay tinanggap.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

o kaya: Aleluya.

Buong puso siyang pasasalamatan,
aking pupurihin sa gitna ng bayan
kasama ng mga lingkod na hinirang.
Napakadakila ang gawa ng Diyos,
pinananabikan ng lahat ng lingkod.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Lahat niyang gawa’y dakila at wagas,
bukod sa matuwid hindi magwawakas.
Hindi inaalis sa ating gunita,
na siya’y mabuti’t mahabaging lubha.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Sa may pagkatakot pagkai’y sagana;
pangako ng Poon ay hindi nasisira.
Ipinadama n’ya sa mga hinirang,
ang kapangyarihan niyang tinataglay,
nang ibigay niya lupa ng dayuhan.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

ALELUYA
Juan 6, 63k. 68k

Aleluya! Aleluya!
Espiritung bumubuhay
ang Salita mo, Maykapal,
buhay mo ang tinataglay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 31-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad nila? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro:

‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw!
Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!

Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ Naparito naman ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ipinahayag ng mga Propeta ang pagdating ng ating mananakop. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagsisisi sa mga kasalanan, ipinahayag ni Juan Bautista ang kanyang pagdating. Sa diwa ng pagsisisi, manalangin tayo sa tulong ng Diyos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Kaibigan ng mga makasalanan, tipunin mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y patuloy pang umunlad at higit pang humikayat sa mga sumasampalataya sa maluwalhating Hapag ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mayayaman at ang dukha nawa’y hindi umiwas sa hamon ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumugon nang may katapatan sa tawag ng pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Lahat tayo nawa’y tumugon nang may katapatan sa tawag ng pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mabuhay sa tahanan ng Panginoon at magbunyi sa Hapag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, inaanyayahan mo kami upang makapiling ka sa iyong Kaharian. Ngayong nananalangin kami para sa iba, tulungan mo kaming maisama sila sa Hapag na inihanda ng iyong Anak na si Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 99,754 total views

 99,754 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 145,477 total views

 145,477 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 147,687 total views

 147,687 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 217,675 total views

 217,675 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 222,376 total views

 222,376 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hunyo 18, 2026

 6,164 total views

 6,164 total views Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Sirak 48, 1-15 Salmo 96, 1-2. 3-4. 5-6. 7 Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

Read More »

Miyerkules, Hunyo 17, 2026

 7,739 total views

 7,739 total views Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 2, 1. 6-14 Salmo 30, 20, 21. 24 Magpakatatag ang tanang may tiwala

Read More »

Martes, Hunyo 16, 2026

 7,741 total views

 7,741 total views Martes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 17-29 Salmo 50, 3-4. 5-6a. 11 at 16 Poon, iyong kaawaan kaming

Read More »

Lunes, Hunyo 15, 2026

 7,933 total views

 7,933 total views Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 1-16 Salmo 5, 2-3. 5-6. 7 Panginoon, ako’y dinggin, pagbigyan sa aking

Read More »

Linggo, Hunyo 14, 2026

 7,218 total views

 7,218 total views Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 19, 2-6a Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan, kabilang sa kanyang kawan. Roma

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top