Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 169,635 total reads

Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan na ito ay may temang “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng mga Bata, Ipaglaban!” 

Ang OSAEC ay acronym para sa online sexual abuse and exploitation of children, habang ang CSAEM naman ay child sexual abuse and exploitation materials. Krimen ang mga ito sa ilalim ng Republic Act No. 11930 o ang Anti-OSAEC-CSAEM Act. Tumutukoy ang OSAEC at CSAEM sa lahat ng porma ng sekswal na karahasan, pang-aabuso, at pananamantalang ginagawa sa mga bata sa pamamagitan ng information and communications technology. Kabilang sa mga ito ang paggawa, pagpapakalat, at pagpapamay-ari ng mga materyal na ginagawang sekwal na bagay ang isang bata. 

May tatlong pangunahing sangkot sa OSAEC: ang buyer, ang facilitator, at ang batang biktima. Ayon sa report ng International Justice Mission, dito sa Pilipinas, ang buyer o customer ay kadalasang lalaki na edad 40 pataas. Kadalasang dayuhan ang mga customers—mga taga-Amerika, Sweden, at Australia. Ang facilitator o trafficker naman ay kadalasang Pilipino at babae.  Karamihan sa kanila ay magulang o kamag-anak mismo ng mga biktima. Kahirapan ang pangunahing nagtutulak sa traffickers na biktimahin ang mga bata. Katwiran nila, “harmless” o hindi naman mapanganib ang OSAEC dahil online naman ito. Hindi nahahawakan ang mga bata. Samantala, labing-isang taong gulang naman ang kadalasang edad ng mga batang biktima, pero may mga biktima ding sanggol pa lamang. Nakapangingilabot! Nakagagalit!

Mga batang Pilipino ang isa sa pinaka-vulnerable na biktima ng OSAEC sa buong mundo. Bakit? Una, maraming Pilipino ang fluent sa Ingles kaya mas madali ang komunikasyon sa pagitan ng buyer at trafficker. Ikalawa, maraming hiráp sa buhay dito sa Pilipinas kaya napipilitang kumapit sa patalim ang mga traffickers. Panghuli, maraming bata ang hinahayaang gumamit ng internet. Sa kabila ng mga hakbang ng pamahalaan at mga NGO para sugpuin ang OSAEC, nanatili itong laganap sa ating lipunan ngayon. 

Mariing ipinapaalala ng ating Simbahan na dapat igalang ng lahat ang dignidad ng mga bata. Ang bawat tao—bata man o matanda—ay nilikhang kawangis ng Diyos. Ang pagyurak sa dignidad ng sinuman ay tahasang pagsira sa magandang plano ng Diyos para sa Kanyang mga nilalang. Walang puwang sa isang makataong bansa, pamahalaan, o lipunan ang pang-aabuso sa mga bata. Sila ang susunod na henerasyon ng ating bayan, kaya mahalaga ang mga hakbang ng isang bansa o ng mga bansa na lababan ang anumang porma ng pagyurak sa dignidad ng mga musmos na walang kalaban-laban. 

Sa Mateo 19:14, sinabi ni Hesus, ”Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata… sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.” Patunay ang mga salitang ito ng pagpapahalaga at pagmamahal ng Panginoon sa mga bata. Kaya ang sinumang sumusunod kay Hesus—tayong mga Kristiyano—ay may mabigat na tungkuling protektahan at pangalagaan ang mga bata. 

Sa loob ng mga tahanan, siguruhin nating hindi naiiwang mag-isa ang mga bata online. Maging mapagmatyag tayo sa ating paligid. Kahit hindi natin anak ang isang bata, tungkulin nating protektahan siya. I-report sa Barangay Council for the Protection of Children o sa pulis ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata. Palalimin natin ang ating kaalaman tungkol sa OSAEC at ibahagi ito sa iba. Kung may kakayanan tayo sa buhay, suportahan natin ang mga organisasyong may mga programa at proyektong sumusuporta sa mga victim-survivors. 

Mga Kapanalig, “it takes a village to raise a child”. Kasama tayong mga Kristiyano sa pamayanang ito. Buuin natin ang isang lipunang na ligtas, mapagmahal, at makatarungan para sa mga bata. Sama-sama nating wakasan ang OSAEC at CSAEM!

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 88,509 total reads

 88,509 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 182,539 total reads

 182,539 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 226,807 total reads

 226,807 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 249,916 total reads

 249,916 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 321,066 total reads

 321,066 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 88,510 total reads

 88,510 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 182,540 total reads

 182,540 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 226,808 total reads

 226,808 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 249,917 total reads

 249,917 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top