Huwag nating pabayaan ang kapwang nangangailangan, panawagan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,659 total reads

Ipinaalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang kahalagahan ng pagtulong sa mga pinakamahihirap.

Ito ang paanyaya ni Bishop Pabillo sa paggunita ng simbahan ng World Day of the Poor sa November 16.

Ayon sa Obispo, ang pagtulong sa mga mahihirap ay kawangis ng pagtanggap sa Panginoong Hesukristo sa puso at tahanan ng bawat mananampalataya upang maging habag at daluyan ng pagmamahal ng Diyos.

“Alam niyo po ang November, yan din ang katapusan ng liturgical year, yan po yung Christ the King natin at matatanggap po natin si Hesus bilang Hari natin kung tinatanggap po natin ang mga papuri po niya, at yan po yung mga mahihirap kaya the Sunday before Christ the King is World Day of the Poor, Kaya po sa November 16, yan po ang World Day of Poor pinapaalala po satin na ang pagtanggap po natin sa mga mahihirap-si Hesus ang tinatanggap natin, na huwag natin silang pabayaan sa ating buhay,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Hinimok ng Obispo ang mga Pilipino na patuloy na pagsusulong ng mga programa o inisyatibong nakatuon sa pagpapabuti ng kanilang buhay upang makaahon sa kinalugmukang kahirapan.

“Yan din po yung paksa ng liham nang ating Santo Papa na pagpahalagahan ang mga mahihirap sa ating buhay, sila po ay ginagamit ng Diyos upang mapalaala sa atin ang kaniyang prisensya dito sa mundo, kaya kapag tinatanggap at totoong tumutulong tayo sa mga mahihirap, kay Hesus po tayo tumatanggap at siya rin ang ating pinaglilingkuran,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Itinalaga ngayong 2025 ang pagdiriwang ng ika-siyam na World Day of the Poor sa temang ‘You Are My Hope’ na paalala na hindi lamang charity ang simbolo ng mga mahihirap, sila ay tanda ng pagbangon mula sa kinalugmukang sitwasyon at katatagan laban sa anumang hamon.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 9,624 total reads

 9,624 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 23,577 total reads

 23,577 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 95,194 total reads

 95,194 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 181,696 total reads

 181,696 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 224,729 total reads

 224,729 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 273,333 total reads

 273,333 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top