Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga simbahan sa Archdiocese of Cebu, binuksan para sa maapektuhan ng bagyong Tino

SHARE THE TRUTH

 39,051 total views

Inatasan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang lahat ng pari sa Archdiocese of Cebu na buksan ang mga simbahan bilang pansamantalang kanlungan para sa mga mamamayang posibleng maapektuhan ng binabantayang Bagyong Tino.

Ayon kay Archbishop Uy, ito’y bilang tugon sa inaasahang epekto ng malakas na ulan at hangin na dala ng bagyo sa rehiyon.

Gayunman, nilinaw ng arsobispo na hindi kasama sa utos ang mga simbahan na napinsala ng malakas na lindol noong September 30, 2025, upang matiyak ang kaligtasan ng lahat laban sa anumang panganib.

“As Archbishop of Cebu, I have directed all priests to open the churches within the archdiocese as shelters for those seeking refuge during the storm. However, this does not include churches that were damaged by the recent earthquake,” ayon kay Archbishop Uy.

Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga mananampalataya na patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng lahat at nawa’y hindi na magdulot ng mas matinding pinsala ang bagyo.

Tiniyak din ng Archdiocese of Cebu ang pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga volunteer group sa mga paghahanda para sa kalamidad.

“Please stay safe and keep everyone in your prayers,” saad ni Archbishop Uy.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng Bagyo sa silangan-timog-silangan ng Guiuan, Easter Samar, taglay ang lakas ng hangin na 120 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 km/h, habang kumikilos patungong kanluran-timog-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang gitnang bahagi ng Cebu at Cebu City, habang Signal No. 2 naman sa nalalabing bahagi ng lalawigan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,168 total views

 44,168 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 81,649 total views

 81,649 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 113,644 total views

 113,644 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,377 total views

 158,377 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,323 total views

 181,323 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,458 total views

 8,458 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 18,989 total views

 18,989 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,213 total views

 7,213 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top