Expansion ng mining sa Kalinga, ikinababahala ng Apostolic Vicariate of Tabuk

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,269 total reads

Ikinabahala ng Social Action Center ng Apostolic Vicariate of Tabuk (AVT-SAC) ang posibleng panganib sa suplay ng tubig at seguridad sa pagkain sa Kalinga at ilang bahagi ng Isabela kapag nagpatuloy ang planong pagpapalawak ng pagmimina sa Balatoc, Pasil.

Ayon kay AVT-SAC Director Fr. Jeorge Manisem, nakikiisa ang Simbahan sa Indigenous Cultural Communities ng Balatoc at sa mga komunidad ng mga magsasaka sa ibabang bahagi ng ilog sa pagtatanggol sa kanilang lupaing ninuno, pinagkukunan ng tubig, at kabuhayan.

Binigyang-diin ng pari na ang anumang proyektong pangkaunlaran ay dapat gumalang sa karapatan ng mga katutubo, kabilang ang kanilang karapatan sa Free, Prior, and Informed Consent (FPIC).

“Any development initiative must fully respect the inherent rights of Indigenous Peoples and their absolute right to Free, Prior, and Informed Consent (FPIC), principles deeply grounded in law and the moral imperatives of justice, participation, and the common good,” pahayag ni Fr. Manisem.

Ipinaliwanag ng pari na bagama’t hindi mariing tinutulan ng mga komunidad sa ibabang bahagi ng ilog ang naunang operasyon ng Makilala Mining Company Inc. (MMCI), nakabatay ito sa katiyakang hindi maaapektuhan ang Pasil River, isang mahalagang tributary ng Chico River.

Gayunman, sinabi ni Fr. Manisem na ang isinusulong na panibagong malawakang operasyon ng isa pang mining company ay nagdudulot ng pangamba dahil maaari itong magbanta sa watershed, agrikultura, at seguridad sa tubig ng mga komunidad sa Kalinga at maging sa Quezon, Isabela.

Iginiit ng AVT-SAC na ang pagkasira ng Pasil at Chico River systems ay maaaring makaapekto sa mga sakahan at seguridad sa pagkain ng libu-libong pamilyang umaasa sa mga ilog na ito para sa irigasyon.

“The Pasil and Chico River systems are the lifeblood of our region’s rice granaries, and watershed degradation directly threatens the farms and food security of thousands of downstream Kalinga families,” ayon kay Fr. Manisem.

Dahil dito, nanawagan ang pari sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagpaliban ang paglalabas ng anumang bagong permit at environmental clearance para sa mga pinagtatalunang mining expansion hanggang sa ganap na maresolba ang mga usapin sa komunidad at masunod ang mga itinakdang proseso sa batas.

Hinimok din ng AVT-SAC ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na muling suriin ang mga nakabinbing aplikasyon sa pagmimina at pangunahan ang isang bukas at makatarungang dayalogo sa pagitan ng mga katutubo at iba pang sektor na maaapektuhan ng pagmimina.

“True progress must be measured by how well we protect our culture, our people, and our common home,” giit ni Fr. Manisem.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 38,980 total reads

 38,980 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 136,680 total reads

 136,680 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 180,949 total reads

 180,949 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 204,058 total reads

 204,058 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 277,422 total reads

 277,422 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,328 total reads

 145,328 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top