Malnutrition at obesity, patuloy na tumataas sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,048 total reads

Nagbabala ang isang nutrition expert na nananatiling hamon sa Pilipinas ang patuloy na pagtaas ng kaso ng malnutrition kasabay ng dumaraming bilang ng mga overweight at obese na Pilipino.

Sa panayam sa Barangay Simbayanan, sinabi ni Melvar Royeras, RND, Nutrition-Dietitian I ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) na patuloy na nakararanas ang bansa ng mga kaso ng wasting o kakulangan sa timbang, stunting o pagkabansot, gayundin ng pagtaas ng overweight at obesity.

Ayon kay Royeras, isa sa mga hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang problema ay ang pagpapatupad ng Philippine Nutrient Profile Model, na magsisilbing batayan sa paglalagay ng front-of-pack labels upang madaling matukoy ng mga mamimili kung mataas sa asukal, sodium, o saturated fat ang isang produkto.

Nilinaw rin ni Royeras ang isa sa mga karaniwang maling paniniwala ng mga Pilipino na kailangang alisin ang kanin sa pagkain upang pumayat.

“Ang kanin po ay hindi po natin kaaway. Kasi ito po ang source po natin ng energy. Ang mahalaga po ay yung dami ng pagkain, hindi po yung uri,” pahayag ni Royeras.

Hinikayat din niya ang publiko na sundin ang Pinggang Pinoy, kung saan kalahati ng plato ay dapat binubuo ng prutas at gulay, one-fourth ay isda o karne, at ang natitirang bahagi ay kanin o iba pang pinagkukunan ng carbohydrates.

Nagpaalala rin ang nutritionist na walang iisang diet na angkop sa lahat ng tao kaya’t mas mainam ang pangmatagalang pagsunod sa balanseng pagkain kaysa sa mga nauusong diet na nangangako ng mabilis na resulta.

“Ang diet po ay walang one size fits all. Ang pinopromote pa rin namin ay ang pagkakaroon ng sustainable practices at balanced diet kaysa sa mga diet na nagpa-promise ng mabilisang resulta,” dagdag ni Royeras.

Iminungkahi rin niya ang home gardening bilang praktikal na paraan upang magkaroon ng mas mura at mas sariwang gulay sa tahanan, habang nakatutulong din sa pagbawas ng food waste at pagsusulong ng mas malusog na pamumuhay.

Ipinagdiriwang ngayong Hulyo ang National Nutrition Month 2026 na may temang “Sa PPAN (Philippine Plan of Action for Nutrition): Sama-sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat!” at may sub-theme na “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,181 total reads

 10,181 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 91,558 total reads

 91,558 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 185,783 total reads

 185,783 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 246,273 total reads

 246,273 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 259,683 total reads

 259,683 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,110 total reads

 70,110 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top