Digital workers, inaanyayahan makiisa sa Digital workers forum sa Obispado de Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,254 total reads

Inaanyayahan ng Church People Workers Solidarity o CWS ang mga Pilipino, lalu na ang mga manggagawa sa digital sector na makiisa sa idadaos na ‘Digital Workers Forum’ ika-18 ng Hulyo 2026 sa Obispo de Cubao Building, Our Lady of the Immaculate Conception Cathedral Room A, 41 Lantana Street, Cubao Quezon City.

Ayon sa CWS at mga katuwang na organisasyon, bukas para sa lahat ang digital forum at libreng makakapasok o makikibahagi ang mga magtutungo upang matutunan ang mahahalagang paksang tatalakayin.

Tatalakayin sa forum ang paksang “Church Workers in the Age of AI: A deeper reflection on Pope Leo XIV’s Encyclical ‘Magnifica Huminatas'”.

Layon nito na patuloy na isulong ang dangal o dignidad ng tao sa paggawa higit na ngayong patuloy na nanganganib ang maraming kabuhayan dahil sa pagtangkilik ng maraming employers sa Artificial Intillegence o AI sa halip na magbigay ng trabaho sa tao.

“Artificial intelligence is rapidly changing the BPO industry. From AI-powered customer service to automated workflows and performance monitoring, digital workers are experiencing the impact of these technologies every day. While AI promises innovation, it also raises urgent questions about job security, workers’ rights, human dignity, and the future of work: Register here: https://forms.gle/TYqTB7KgVC926UB47 ” ayon sa mensahe ng CWS na pinadala sa Radyo Veritas.

Katuwang naman ng CWS sa gawain ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER, BPO Industry Employees Network o BIEN Pilipinas at Ecumenical Bishops’ Forum o EBF.

Sa kauna-unang ensiklikal ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas ay tinalakay ng Santo Papa ang kahalagahan ng pagsisilbi ng AI para sa tao na dapat magsilbi tungo sa pagpapaunlad ng buhay at higit na pagpapalaganap ng pananampalataya.

Ayon naman sa mga pag-aaral ng Internaltion Labor Organization, bagamat hindi kagyat na mawawalan ng trabaho ang maraming manggagawa ay nanganganib na mapahina o maapektuhan ng Generative AI ang kabuhayan ng may 80-milyong manggagawa sa buong mundo.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 60,996 total reads

 60,996 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 116,111 total reads

 116,111 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 236,691 total reads

 236,691 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 287,049 total reads

 287,049 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 411,494 total reads

 411,494 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 38,938 total reads

 38,938 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top