135 total views
Nanawagan ang NAGKAISA labor coalition kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suportahan ang kagyat na pagpasa sa panukalang 200-pisong national legislated wage increase.
Iginiit ng grupo na hindi sapat ang 85-pesos na arawang pagtaas sa minimum wage sa National Capital Region sa bisa ng desisyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).
Nilinaw ng grupo na bumababa ang tunay na halaga ng sahod dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, pabahay, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Sinabi ni Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) at NAGKAISA! national chairperson na dapat nang suportahan ng administrasyon ang panukalang 200-pesos na dagdag-suweldo sa halip na umasa sa kasalukuyang regional wage board system.
“”Mr. President, stop hiding behind the broken regional wage board system. Workers cannot eat cumulative wage adjustments spread over several years while prices rise every single day. If your administration truly stands with Filipino workers, support the
immediate passage of the ₱200 National Legislated Wage Increase. Poverty wages are unacceptable, and justice delayed is justice denied,” ayon sa mensahe ni Matula na pinadala ng NAGKAISA sa Radyo Veritas.
Nanawagan din ang NAGKAISA! Kay Pangulong Marcos na sertipikahang urgent measure ang panukala upang agad na kumilos ang Kongreso.
Kasabay nito, iginiit ng labor goups ang pangangailangan ng malawakang reporma sa wage-setting mechanism upang matiyak na ang sahod ng mga manggagawa ay tumutugon sa totoong gastusin sa pamumuhay at nakapagtataguyod ng marangal na pamumuhay para sa bawat pamilyang Pilipino.
Patuloy na binibigyang-diin ng Simbahang Katolika ang kahalagahan ng makatarungang pasahod at paggalang sa dignidad ng paggawa.




