Diocesan Synodal Mission Congress 2026, isasagawa ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,213 total reads

Magsasagawa ang Diocese of Legazpi ng Diocesan Synodal Mission Congress 2026 sa Hulyo 18, 2026 sa Legazpi City Convention Center (LC3) Expo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Diamond Jubilee ng diyosesis at ng 2026 Year of Mission.

Sa inilabas na Diocesan Circular No. 17, Series of 2026, sinabi ni Legazpi Bishop Joel Baylon na layunin ng pagtitipon na higit pang palalimin ang pagkakakilanlan ng lokal na Simbahan bilang isang misyunerong pamayanan at patatagin ang diwa ng communion, participation, and mission.

Tampok sa programa ang keynote address ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, mga testimonya, Conversations in the Spirit, presentasyon ng mga umuusbong na ministeryo, at ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

“The Mission Congress seeks to deepen our understanding of our local church’s missionary identity and to strengthen our diocesan commitment to synodality through communion, participation, and mission.” Bahagi ng paanyaya ni Bishop Baylon.

Hiniling naman ni Bishop Baylon sa bawat parokya na magpadala ng sampung opisyal na kinatawan na binubuo ng mga miyembro ng Parish Pastoral Council (PPC), mga lay leader, at iba pang kinatawan ng parokya.

Inanyayahan din ang lahat ng mga pari ng diyosesis at mga relihiyosong at relihiyosa na makibahagi sa kongreso.

Kinakailangang makumpleto ng mga kalahok ang online pre-registration bago ang Hulyo 10, 2026 upang matiyak ang kanilang partisipasyon sa pagtitipon.

Magsasagawa rin ng orientation para sa mga itinalagang facilitators at documenters sa Hulyo 11 sa SEDP Hall, sa ikaapat na palapag ng The Chancery, kung saan nakatakdang ganapin ang orientation ng facilitators mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali at ng documenters mula alas-1 hanggang alas-3 ng hapon.

Hinimok ni Bishop Baylon ang mga mananampalataya na aktibong makibahagi sa gawain ng Simbahan at ipagpatuloy ang diwa ng sinodalidad.

“May this Mission Congress renew our hearts and strengthen our resolve to become a truly synodal Church—blessed, guided, and sent—as we continue our shared mission in the Diocese of Legazpi,” Ayon pa kay Bishop Baylon.

Bahagi ang Diocesan Synodal Mission Congress sa patuloy na paghahanda ng Diocese of Legazpi sa paggunita ng ika-75 anibersaryo nito at sa pagpapalalim ng misyon ng Simbahan bilang isang pamayanang naglalakbay nang sama-sama sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 40,895 total reads

 40,895 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 138,417 total reads

 138,417 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 182,686 total reads

 182,686 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 205,795 total reads

 205,795 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 279,103 total reads

 279,103 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top