Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Tagbiliran, nakaalerto sa bagyong Tino

SHARE THE TRUTH

 45,003 total views

Naghahanda na ang Diocese of Tagbilaran sa posibleng pinsalang dulot ng Bagyong Tino, na kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon kay Diocesan Administrator Fr. Gerardo Saco, inatasan na niya ang lahat ng kura paroko na manatili sa kani-kanilang parokya, maging alerto, at makipag-ugnayan sa mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) bilang paghahanda sa bagyo.

“I’m calling all the parish priests and priests here in the diocese to stay in their parishes and be alert. Communicate with the local LGUs in preparation for the typhoon,” pahayag ni Fr. Saco sa panayam ng Radyo Veritas.

Pinangunahan ni Fr. Saco ang pulong kasama ang Social Action Ministry ng diyosesis kung saan bumuo ng action plan na hinati sa tatlong yugto ang ‘before, during, and after the typhoon’ upang magabayan ang mga parokya at komunidad sa mga nararapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng bagyo.

Umapela rin ang pari sa mga cluster leaders ng mga Basic Ecclesial Communities (BECs) na makipag-ugnayan sa mga parokya, at sa mga mamamayan na sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang panganib.

“We encouraged parish priests and cluster leaders to coordinate with local disaster councils and to assist residents, especially those in barangays and puroks. We encourage families to prepare ‘pack and go’ bags good for three days and to stay together in their homes during the typhoon,” dagdag pa ni Fr. Saco.

Hinimok din ni Fr. Saco ang mga naninirahan sa mga mapanganib na lugar na lumikas agad at sundin ang mga kautusan ng pamahalaan. Tiniyak niyang bukas ang mga simbahan, social halls, at seminaryo ng diyosesis bilang mga evacuation center para sa mga nangangailangan ng mas ligtas na masisilungan.

“We also asked parish priests to open churches, social halls, and function halls as evacuation centers for their communities,” ayon sa pari.

Bukod sa paghahandang pisikal, nanawagan din si Fr. Saco sa mga Boholano na magkaisa sa pananalangin para sa kaligtasan ng lahat sa gitna ng banta ng bagyo.

Una nang naglabas ang diyosesis ng Oratio Imperata na maaaring dasalin ng mga mananampalataya, kasama ang panawagang magdasal ng Santo Rosaryo bilang espirituwal na sandigan sa panahon ng sakuna.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang buong lalawigan ng Bohol dahil sa patuloy na paglapit ng Bagyong Tino.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,209 total views

 44,209 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 81,690 total views

 81,690 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 113,685 total views

 113,685 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,418 total views

 158,418 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,364 total views

 181,364 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,498 total views

 8,498 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,026 total views

 19,026 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top