Ugnayan ng obispo kay Hesukristo, tunay na batayan ng kanyang paglilingkod

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,275 total reads

Umapela si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga kapwa obispo ng bansa na manatiling tapat kay Hesukristo at huwag hayaang maging personal na kaharian ang kanilang mga diyosesis.

Ito ang pagninilay ng arsobispo sa pagtatapos ng ika-132 Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa AMORAP sa Sinacaban, Misamis Occidental.

Ayon kay Archbishop Villegas, ang tunay na dangal ng isang pastol ay makakamit sa pamamagitan ng pakikipagkaisa sa Panginoon.

Paalala ng pastol na ang mga katagang “Your Excellency” at “Most Reverend” na tumutukoy sa mga obispo ay hindi bunga ng kayamanan, katungkulan, kasikatan, o mga nagawa ng isang obispo.

“Excellency doesn’t come from our work. Excellency doesn’t come from our wealth. Excellency doesn’t come from our popularity,” ayon kay Archbishop Villegas.

Binigyang-diin din niyang hindi nakabatay sa mga gawain o institusyong naitatag ng Simbahan ang tunay na kadakilaan ng isang obispo.
Ayon sa arsobispo, ang tunay na batayan ng paglilingkod ng isang obispo ay ang ugnayan nito kay Hesukristo.

Paliwanag ni Archbishop Villegas na ang lahat ng dangal na iniuukol sa mga obispo ay nagmumula lamang sa kanilang pagiging kabilang kay Kristo.

“Because you belong to Christ, you’re excellent. And because you belong to Christ, you’re Most Reverend. In other words, it is our belonging to Christ that gives us the right to hear people say, “Your Excellency,” “Most Reverend,” giit ng arsobispo.

Nagbabala ang arsobispo laban sa panganib ng paglayo ng mga pastol kay Kristo at sa pagtrato sa kanilang mga diyosesis bilang sariling kaharian.

“If, as bishops, we have cut ourselves off from Christ, and the diocese has become our kingdom, we are not His Excellency, we are His mediocrity. We are no longer ‘Most Reverend, we would be the most abominable of all because we have cut ourselves off from the Lord,” giit ni Archbishop Villegas.

Binigyang-diin ni Archbishop Villegas na si Hesukristo lamang ang dahilan kung bakit tinatawag na “Your Excellency” at “Most Reverend” ang mga obispo.

Katuwang ng arsobispo sa closing mass sina Bishop Napoleon Sipalay Jr., OP, ng Alaminos at Bishop Jose Elmer Mangalinao ng Bayombong.
Ginanap ang ika-132 CBCP Plenary Assembly sa AMORAP sa Sinacaban, Misamis Occidental, kung saan nagpulong ang mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa upang talakayin ang mahahalagang usaping pastoral at ang misyon ng ebanghelisasyon sa pagsusulong ng simbahang sinodal.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 61,225 total reads

 61,225 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 230 total reads

 230 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 116,427 total reads

 116,427 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 237,007 total reads

 237,007 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 287,350 total reads

 287,350 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top