Gamitin ang AI nang may pananagutan at paggalang sa dignidad ng tao, apela ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,957 total reads

Binigyang-diin ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma at Vatican correspondent ng Radio Veritas, ang panawagan ni Pope Leo XIV na tiyaking nagsisilbi sa kabutihang panlahat ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI).

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Fr. Gaston na nagpadala ng mensahe ang Santo Papa sa pandaigdigang kumperensya tungkol sa Artificial Intelligence na ginanap sa Switzerland noong Hulyo 7 hanggang 10, 2026 kung saan hinimok ni Pope Leo XIV ang mga kalahok na gamitin ang makabagong teknolohiya nang may pananagutan at paggalang sa dignidad ng tao.

Ayon kay Fr. Gaston, kinikilala ng Santo Papa ang malaking pakinabang ng AI ngunit binabalaan din ang mundo sa mga panganib nito kung mawawala ang papel ng tao sa mahahalagang pagpapasya.

Ipinaliwanag ng Pari na bagama’t maraming naidudulot na kabutihan ang AI, maaari rin itong magdulot ng panganib kung mawawala ang pagpapasya ng tao, lalo na sa paggamit nito sa mga sandata at iba pang sistemang nakabatay lamang sa mga algorithm na maaaring magkamali at magbunga ng paglabag sa buhay at karapatang pantao.

“Maraming napakagandang bagay sa Artificial Intelligence, meron ding hindi masyadong maganda. Minsan nawawala na yung tao, nawawala na yung desisyon ng tao. Minsan itong naririnig natin, itong mga drones, mga weapons, mga bomb, sino’ng magde-decide? Hindi na yung tao, kundi yung mga algorithms na nakaprogram na. Eh kung magkamali, may mga kabataan pala, tuloy pa rin, papatayin pa rin,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, hinihikayat ni Pope Leo XIV ang mga Kristiyano na pag-aralan at unawain ang mga bagong teknolohiya upang magabayan ang mga ito ayon sa mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo at magamit nang naaayon sa dignidad ng tao at sa kabutihang panlahat.

Ayon kay Fr. Gaston, nais ng Santo Papa na dalhin si Kristo hindi lamang sa loob ng simbahan kundi maging sa larangan ng agham, kultura, sining, politika, teknolohiya, paaralan, lugar ng trabaho, at sa pang-araw-araw na buhay.

Inihayag din ng Pari na hindi lamang sa usapin ng Artificial Intelligence nakatuon ang misyon ni Pope Leo XIV kundi maging sa iba pang larangan ng lipunan.

“Kaya yan ang mag-ingat rin tayo sa AI, kaya gusto ni Pope Leo XIV ay talagang mapasok at makabisado natin ng mas malaman natin itong teknolohiyang ito. Kaya si Pope Leo XIV mismo ay babad na babad at ini-encourage tayong lahat hindi lamang sa Artificial
Intelligence pati sa ibang mga bagay sa culture, sa arts, sa politics, the sciences dun natin dadalhin at dinadala si Hesus. Kaya kung nasaan man tayo kung nasa palengke, sumasakay tayo, nagtatrabaho tayo, o nag-aaral tayo doon natin dalhin si Hesus sa buong mundo, hindi lamang sa Parokya, hindi lamang sa Sunday.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Umaasa naman ang Simbahang Katolika na ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay patuloy na magamit upang itaguyod ang kapayapaan, katarungan, at paggalang sa dignidad ng bawat tao, sa halip na maging kasangkapan ng karahasan at pagkawasak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 15,217 total reads

 15,217 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 96,285 total reads

 96,285 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 190,510 total reads

 190,510 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 251,000 total reads

 251,000 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 264,117 total reads

 264,117 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 18,011 total reads

 18,011 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top