CBCP, nanindigang dapat igalang at hayaang umusad ang impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,024 total reads

Muling iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na dapat igalang at hayaang umusad ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte alinsunod sa Saligang Batas, kasabay ng panawagang manaig ang katarungan, pananagutan, at pambansang pagkakaisa.

Sa press conference sa pagtatapos ng ika-132 Plenary Assembly ng CBCP sa AMORAP sa Sinacaban, Misamis Occidental, sinabi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Interreligious Dialogue, na nananatiling pareho ang posisyon ng Simbahan hinggil sa usapin at nilinaw na hindi ito pagpuna lamang sa bise presidente kundi paglilinaw sa mga akusasyon laban sa kanya.

“Hindi nagbabago ang aming katayuan sa ngalan ng ating Simbahan, at importante ang impeachment process na nangyayari ngayon. Hindi ito condemnation sa ating Vice President. Hindi kami gumagawa ng stand in favor of or against our Vice President kundi ang ating itinataguyod dito ay yung ating Konstitusyon, yung rule of law. Hayaan natin na tumakbo ang proseso ng impeachment. Let the rule of law give its own verdict,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng obispo na sa pamamagitan ng Interreligious Leaders Council for National Transformation ay patuloy nilang binabantayan at mino-monitor ang nagpapatuloy na impeachment proceedings.

Binigyang-diin din ni Bishop Bagaforo na ang pangunahing isinusulong ng Simbahan ay ang katarungan at hindi ang pagkiling sa alinmang panig.

“Ang Simbahan natin ay walang ibang ipinaglalaban kundi ang tinatawag nating hustisya… hustisya sa mga nangyari dahil sa mga allegations of corruption, at hustisya rin para sa mga inaakusahan,” ani ng obispo.

Kasabay nito, nanawagan si Bishop Bagaforo sa lahat ng mga lingkod-bayan na pairalin ang pananagutan sa kanilang mga tungkulin bilang pagtugon sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng mamamayan.

“Accountability… ito ay paalala sa ating mga public officials. Accountable tayo sa tiwala ng bayan at sa kapangyarihang ibinigay sa atin. Dapat kaya nating sagutin at maayos ang ating pamamalakad at ang ating dispensation of services to our people,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Nangangamba rin ang obispo sa lumalalim na hidwaang pulitikal sa bansa at hinikayat ang sambayanan na unahin ang pagkakaisa kaysa sa pagkakawatak-watak dahil sa magkakaibang kulay ng pulitika.

“Totoo na masyado tayong divided ngayon… napakaraming kulay ang ating sambayanan… Ang dasal natin ay sana magkaisa tayo,” aniya.

Ayon pa kay Bishop Bagaforo, mahalagang ituon ng bawat Pilipino ang pansin sa kabutihang panlahat sa halip na sa pansariling interes at patronage politics.

“Kung ibig nating umunlad at magkaroon ng mabuting pamamalakad sa ating gobyerno… napakaimportante na magkaisa tayo. Sana huwag tayong masyadong mag-focus sa personal politics. Ang ating tingnan ay para sa kabutihan ng lahat,” dagdag pa ng obispo.

Binigyang-diin ng obispo na patuloy na gagampanan ng Simbahang Katolika ang pagiging moral na konsensya ng lipunan upang gabayan ang sambayanan sa pagsusulong ng katotohanan, katarungan, at mabuting pamamahala.

“Hindi tumitigil ang ating Simbahan na maging moral conscience ng ating sambayanan… Sana palaging ‘Una ang Ginoo.’ Kapag God is first… magiging mabuti ang pagpapatakbo ng ating pamahalaan,” saad ng obispo.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 61,224 total reads

 61,224 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 229 total reads

 229 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 116,426 total reads

 116,426 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 237,006 total reads

 237,006 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 287,349 total reads

 287,349 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top