Lason sa utak ng kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 262,136 total reads

Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa rin ang sigaw ng pamilya ng mga inosenteng biktima ng karahasan.

Nagsagawa ng pagdinig sa Senado para alamin ang ugat ng karahasang ito. Isa sa mga lumutang na posibleng dahilan kung bakit nakapatay ang dalawang bata ng kapwa nila bata ay ang tinatawag na online grooming. Maaalalang sinisisi ng marami ang paglalaro ng bayolenteng online games na nakaimpluwensya umano sa pag-iisip at pag-uugali ng mga batang sangkot sa karumal-dumal na krimen sa Tacloban. Pero may mas malalim na problema pa pala.

Natuklasang ang pamamaril sa Tacloban ay naimpluwensyahan ng isang online network na kung tawagin ay “764”. Target umano ng network na ito ang mga menor de edad. Ang 764 ay isang global network na nakabase sa mga online platforms gaya ng social media, gaming platforms, at messaging apps. Sa Amerika, tinukoy ang 764 bilang “nihilistic violent extremist network,” kahilera ng mga teroristang grupo. Layunin ng network na ito na “sirain” ang lipunan sa pamamagitan ng paglason sa isip ng mga bata at pagsasamantala sa kanila. Gumagamit sila ng pagbabanta, pamba-blackmail, at panloloko para pilitin ang biktima na magproduce o maglivestream pa nga ng pananakit nila sa kanilang sarili, pagmamalupit sa hayop, paggawa ng mga sekswal na bagay, at maging pagpapatiwakal o suicide

Para makahanap ng mabibiktima, sumisiksik ang mga nasa likod ng 764 sa mga populár na online games at platforms, gaya ng Roblox at Minecraft na sikat na sikat ngayon sa kabataan. Pangunahing estratehiya nila ang online grooming kung saan gamit ang internet at teknolohiya, untiunting nakikipag-relasyon sa mga bata ang mga kriminal para sa layuning mang-abuso, manamantala, at manakit. Madalas nagtatago sila sa mga fake accounts, private servers, at mga “true crimecommunities, at untiunting inaakit ang mga bata sa mas matinding content: mula sa maseselang pagbibiro hanggang sa aktwal na pananakit ng sarilil at paggawa ng karahasan. Kapag may nakuha na silang mga larawan at video ng mga biktima nila, ginagamit ang mga ito na pangblackmail para lalo pang kontrolin ang biktima at ipagpatuloy ang pananamantala at pang-aabuso. 

Ipinadala na sa National Bureau of Investigation (o NBI) ang mga online posts na iniuugnay sa mga menor de edad na namaril ng kanilang mga kaeskuwela sa Tacloban. Para sa mga senador, posibleng may kaugnayan ang pagkalantad ng mga batang namaril sa tinatawag na “violent online ecosystem” sa pamamagitan ng 764. 

Sa kanyang unang ensiklikal na Magnifica Humanitas, binanggit ni Pope Leo XIV ang online grooming bilang isang seryosong panganib sa kabataan. Aniya, hindi lang sa mga magulang at pamilya nakaatang ang responsabilidad na gabayan ang mga bata; dapat ding maging accountable o napananagot ang mga online platforms na may likha ng mga mapanganib na laro, apps, at online communities. Gaya ng sinasabi lagi ng Simbahan, ang teknolohiya ay dapat magsilbi sa mga tao—para igalang ang kanilang dignidad at tiyakin ang kanilang kabutihan. Hindi ito dapat gamitin para pagsamantalahan ang sinuman, lalo na ang mga musmos. Kapag ang mga online platforms ay nagbibigay-daan sa grooming, kailangan ng mas mahigpit na safeguards para proteksyunan ang gumagamit ng mga ito.

Mga Kapanalig, sa Mateo 18:6, nagbabalâ si Hesus: “sinumang maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito…, mas mabuti pa sa taong iyon na bitinan ang kanyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya’y lunurin sa kailaliman ng dagat.” Tunay na napakabigat na pagkakasala ang pagsasamantala sa mga bata, kaya maging masigasig sana ang gobyerno na alisin ang mga lumalason sa kanilang pag-iisip.

Sumainyo ang katotohanan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 12,677 total reads

 12,677 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 15,005 total reads

 15,005 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 32,430 total reads

 32,430 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 533 total reads

 533 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 82,560 total reads

 82,560 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 176,785 total reads

 176,785 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 237,274 total reads

 237,274 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 251,169 total reads

 251,169 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

1,2,3 kanya-kanya na!

 534 total reads

 534 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 82,561 total reads

 82,561 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 176,786 total reads

 176,786 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 237,275 total reads

 237,275 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »
Scroll to Top