VP Duterte, hindi dumalo sa unang araw ng impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,198 total reads

Hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa unang araw ng paglilitis ng Senate impeachment court ngayong Lunes.

Bago ang impeachment proper, binigyan diin ng mga tagapagsalita ng House Prosecution na nararapat lamang na dumalo si VP Duterte na isang pagkakataon upang sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Ayon kay Rep. Co, karapatan ng bawat Filipino na marinig ang panig ni VP Duterte.

Sinabi naman ni Rep. Zia Alonto Adiong,” No one should fear the truth. The proper venue to test the facts is the impeachment court.”

Samantala, naihalal naman bilang Presiding Officer ng Impeachment Court si Senator Francis Escudero sa botong 12-8, ito ay sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng minorya na pinamumunuan ni dating Senate President Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Sen. Cayetano, dapat ay simulan na ang paglilitis at pamunuan ni Senate President Sherwin Gatchalian.

Sa panig naman ng House Prosecution, hindi na mahalaga kung sino ang umupong presiding officer, at dapat nang agad na simulan ang paglilitis upang mailahad na ang mga ebidensya at testigo.

“Malakas at matibay po ang aming kaso,” saad ni Adiong.

Ayon kay Rep. Zia Alonto-Adiong, isa sa tagapagsalita ng prosecution panel-iginagalang nila ang pasya ng mga Senator-Judges at ng buong Impeachment Court .

Sa pahayag naman ni Presiding Officer-Sen. Escudero, tiniyak nito ang pagkakaroon ng patas na paglilitis sa kauna-unahang impeachment case sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Pinaalalahanan din ni Escudero ang prosecution at defense na mag-inga at umiwas sa pagtalakay kaugnay sa paglilitis.

Binigyan din pa ng ng Presiding Officer na ipapatupad ng Senate Impeachment court ang umiiral na 2/3 of all the members of the senate (24) o kinakailangan ng 16 senator-judges upang patunayan ang pagkakasala ng nasasakdal.

Kabilang sa mga humarap sa impeachment court ang 11 Panel of Prosecutors na pinangungunahan ni Batangas Rep. Gerville Luistro kasama sina Representatives Jose Manuel Diokno, Leila de Lima, Joel Chua, Kaka Bag-ao, Lorenz Defensor, Keith Flores, Ysabel Zamora, Rodge Gutierrez, at Lordan Suan, kasama ang 15 Counsel for Prosecutors kabilang na si Atty. Lorna Kapunan at Atty. Benjamin Tolosa Jr. -na nagsisilbi ring legal spokesperson.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 227,850 total reads

 227,850 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 259,581 total reads

 259,581 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 361,405 total reads

 361,405 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,968 total reads

 401,968 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 413,329 total reads

 413,329 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top