Huwag gawing political propaganda ang impeachment trial, apela ng CWS sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,340 total reads

Nanawagan ang Church People-Workers Solidarity (CWS) sa Senado na tiyaking magiging patas, malaya, at naaayon sa konstitusyon ang pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay CWS National Chairman at Caritas Philippine President – San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang impeachment ay mekanismo ng pananagutan sa halip na maging kasangkapan ng pulitika o pansariling interes ng may mga kapangyarihan.

Binigyang-diin ng CWS na ang mga alegasyon kaugnay ng paggamit ng confidential at intelligence funds ay nararapat na masusi , malinaw, at walang kinikilingang imbestigasyon.

“The allegations surrounding the use of confidential and intelligence funds—including the reported liquidation of millions of pesos through fictitious acknowledgment receipts and non-existent recipients—raise serious questions that deserve a full, transparent, and impartial examination. If proven true, these are not mere accounting irregularities but grave violations of the public trust.

Iginiit din ng CWS na ang usapin ay higit pa sa isang opisyal ng pamahalaan dahil sumasalamin ito sa malawak na suliranin ng korapsyon at kawalan ng pananagutan sa bansa.

Naninindigan ang Obispo na dapat managot ang lahat ng sangkot sa anumang anyo ng katiwalian, kabilang ang maling paggamit ng confidential funds, mga iregularidad sa flood control projects, procurement, campaign finance, pang-aabuso sa kapangyarihan, at iba pang paglustay sa pondo ng bayan.

Pinayuhan ng lider ng Caritas Philippines ang mga Senator judge na hindi dapat maging mapili ang pagpapatupad ng hustisya sapagkat.

“The issue before us goes far beyond one public official. It speaks to a deeper culture of corruption and impunity that has long deprived the Filipino people of opportunities for genuine development,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza na pinadala ng CWS sa Radyo Veritas.

Hinimok din ng CWS ang mga senador na pairalin ang konsensya, integridad, at katapatan sa kanilang magiging pasya.
Pinaalalahanan naman ng CWS ang mamamayan na manatiling mapagmatyag, mapanuri, at aktibong makibahagi sa pagtatanggol ng katotohanan, transparency, at accountability sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 62,301 total reads

 62,301 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 141,245 total reads

 141,245 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,690 total reads

 174,690 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,988 total reads

 209,988 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,009 total reads

 434,009 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top