Patuloy na makilakbay kay Kristo, paanyaya ng Santo Papa sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,859 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na manatiling nakaugat kay Kristo sa gitna ng pagdurusa, digmaan, at iba pang hamon ng buhay.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square sa Vatican noong July 5 kung saan iginiit na kay Hesus lamang matatagpuan ang tunay na kalayaan, pag-asa, at kapatawaran.
Binigyang-diin ni Pope Leo na ang pagsunod kay Hesus ay hindi lamang landas ng pagdurusa kundi daan tungo sa tunay na kalayaan.

“Our journey of following Christ is not an asceticism that mortifies. Rather, it is a school of freedom that takes seriously the drama of history and continually sheds light on its meaning, especially in its darkest moments,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ayon sa punong pastol, nananatiling kasama at nakikilakbay ang Panginoon sa bawat tao sa pagharap sa iba’t ibang hamon ng buhay, kaya’t hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sinuman.

“The Lord himself carries it with us, never leaving us alone in what burdens us,” giit ng Santo Papa.

Paliwanag din ng Santo Papa na sa pamamagitan lamang ng krus ni Kristo tunay na nagagapi ang kasamaan at matatagpuan ang kaginhawahan, gayundin ang katubusan.

“Only in the cross of Jesus is evil overcome; only in his passion does our mortal weariness find consolation and redemption,” dagdag pa ni Pope Leo XIV.

Binigyang-diin pa ng Santo Papa na si Kristo ang sagot sa iba’t ibang anyo ng pagdurusa at krisis na kinakaharap ng daigdig sa kasalukuyan.

Hiniling din ni Pope Leo XIV ang panalangin para sa mga Kristiyanong patuloy na nakararanas ng pag-uusig sa iba’t ibang bahagi ng mundo kasunod ng beatipikasyon ni Fr. Francis Xavier Tru’o’ng Bǚu sa Vietnam.

Nag-alay rin ng panalangin ang Santo Papa para sa mga biktima ng lindol at sa mamamayan ng Venezuela, na patuloy na nakararanas ng matinding pagsubok, at dalangin niyang patuloy silang palakasin ng Panginoon sa gitna ng kanilang pagdurusa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 99,417 total reads

 99,417 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 149,782 total reads

 149,782 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 278,421 total reads

 278,421 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 363,807 total reads

 363,807 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 422,267 total reads

 422,267 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top