85-pesos na wage hike, minaliit ng labor groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,070 total reads

Minaliit ng Kilusang Mayo Uno at Church People-Workers Solidarity ang ipapatupad na 85-pesos na umento sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region na hahatiin sa dalawang beses.

Sa programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, inihayag ni Jerome Adonis, national chairman ng KMU at CPWS na hindi sapat ang dagdag sahod dahil malayo ito sa sinasabing 1,297-pesos ang daily family living wage para matugunan ng isang pamilyang Pilipino ang pangunahing pangangailangan.

Ikinadismaya din ni Adonis ang magkakaibang minimum wage na ipinapatupad sa bawat rehiyon ngunit pare-pareho lamang ang gastusin sa pagkain, bahay, kuryente at edukasyon.

Iginiit ni Adonis na hindi rin natutugunan ng kasalukuyang sistema ang mandato ng 1987 Philippine constitution na magbigay ng karampatang living wage sa mga manggagawa,
“Deserve po ng bawat manggagawang Pilipino yung nakabubuhay na sahod. At pag sinabi yung nakabubuhay na sahod, ang sukatan niyan ay ang aktuwal na presyo ng pagkain, renta sa bahay, kuryente, tubig, at pampaaral ng mga bata,”pahayag ni Adonis sa Baranggay Simbayanan

Ipinunto rin ni Adonis na hindi tutol ang mga manggagawa sa pagprotekta sa maliliit na negosyo kaya dapat tumulong ang pamahalaan sa pamamagitan ng ibat-ibang uri ng financial subsidies para sa mga manggagawa upang hindi maipasa lamang sa mga employer ang buong gastos sa dagdag-sahod.

Binalewala din ng lider-manggagawa ang pangamba na maraming negosyo ang magsasara sa implementasyon ng wage na ipapatupad muna ang 60-pesos na umento ngayong buwan ng Hulyo habang sa January 2027 naman ang 25-pesos na wage increase.

Ikinatwiran ni Adonis na lalung nakakasama sa ekonomiya ang mababang pasahod dahil pinapahina nito ang purchasing power ng mga manggagawa na bumili ng produkto at serbisyo bunsod naman ng mataas na inflation.

“Ang nakalagay sa ating Constitution ay living wage. Saan mo susukatin ang living wage? Sa aktuwal na presyo ng pangangailangan para mabuhay ang pamilyang Pilipino, at hindi sa halagang 85 pesos,” bahagi pa ng panayam kay Adonis.

Naninindigan naman ang lider-manggagawa na nararapat lamang na makinabang ang mga manggagawa sa paglago ng ekonomiya at kita ng malalaking negosyo, sapagkat sila ang pangunahing lumilikha ng yaman sa bansa.

Naunang inihayag ni Prelatura of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na malaking tulong ito ngunit kinakailangan parin isipin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga maliliit na negosyo, habang kinundena nina Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern Minister Father Erik Adoviso at Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER ang dagdag-suweldo.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 13,001 total reads

 13,001 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 15,329 total reads

 15,329 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 32,763 total reads

 32,763 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 1,099 total reads

 1,099 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 83,080 total reads

 83,080 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 177,305 total reads

 177,305 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 237,794 total reads

 237,794 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 251,659 total reads

 251,659 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top