Nawawalang 700-hektaryang humid primary forest sa Negros Occidental, pinuna ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 245 total views

Ikinabahala ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, ang pagkawala ng humigit-kumulang 700 ektarya ng humid primary forest sa Negros Occidental mula 2002 hanggang 2025, batay sa pinakahuling datos ng Global Forest Watch.

Ayon kay Bishop Alminaza, hindi dapat maliitin ang pagkawala ng mga sinaunang kagubatang nabuo sa loob ng daan-daan hanggang libu-libong taon dahil hindi na ito basta maibabalik.
“Once they are lost, they cannot simply be replanted within our lifetime,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Ipinaliwanag ng obispo na ang mga primary forest ay mahalaga bilang tahanan ng iba’t ibang uri ng buhay, pinagkukunan ng malinis na tubig, panangga laban sa pagbaha at pagguho ng lupa, at tagasipsip ng carbon na nakatutulong sa pagharap sa climate change.

Sinabi ni Bishop Alminaza na ang pagkawala ng mga kagubatan ay dulot ng pagpapalawak ng agrikultura, hindi napapanatiling pagtotroso, pagmimina at quarrying, pagpapatayo ng imprastraktura, mga sunog sa kagubatan, at lumalalang epekto ng climate change.

Aniya, pinalalala pa ito ng mahinang pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan, katiwalian, hindi maayos na land-use planning, at kaunlarang inuuna ang panandaliang tubo kaysa sa kabutihang panlahat.

This is why protecting our forests is not an obstacle to authentic development. It is a necessary condition for development that is just, sustainable, and life-giving,” saad ni Bishop Alminaza.

Dahil dito, nanawagan ang obispo ng mas mahigpit na pangangalaga sa mga natitirang kagubatan at mas responsableng pamamahala sa likas na yaman.
Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na ang tao ay hindi may-ari kundi katiwala lamang ng kalikasan, kaya’t ang pagpapabaya rito ay hindi lamang pagkabigo sa pangangalaga sa kapaligiran kundi maging sa moral at espirituwal na pananagutan.

Hinimok naman ng obispo ang iba’t ibang sektor ng lipunan na isulong ang ecological conversion at sama-samang pangalagaan ang kalikasan bilang kaloob ng Diyos para sa kasalukuyan at sa susunod na mga henerasyon.

“For the forests we protect today are the hope, security, and inheritance of tomorrow. Our forests are God’s gift. Our stewardship is our sacred responsibility,” ayon kay Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suriin ang panawagan ng protesta

 6,943 total views

 6,943 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 102,001 total views

 102,001 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 124,064 total views

 124,064 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 139,579 total views

 139,579 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 145,204 total views

 145,204 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top