INTELIHENSIYANG POLPOL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 383,968 total reads

Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit walang kinalaman sa intelligence gathering ay milyun-milyong piso ang intelligence fund lalu na ang Office of the President, gayundin ang Office of the Vice President, bilyong piso ang intelligence fund.

Saan napupunta ang bilyunes na pondo para sa intelligence fund na mula sa buwis na ibinabawas sa atin ng pamahalaan?

Ang masakit na katotohanan, paglabas natin sa ating tahanan, hindi tayo ligtas sa iba’t-ibang banta sa ating seguridad, sabihin man nating bilyong piso ang pondo sa intelligence fund ng mga ahensiyang siyang dapat nangangalaga sa ating kaligtasan.

Kapanalig, meron tayong National Security Council, National Intelligence Coordinating Council, Philippine National Directorate for Intelligence, AFP-Counter Intelligence Group, mayroong NBI, maging ang MMDA mayroong intelligence group, PNP-NCRPO, Quezon City Police District, Philippine Airforce, PNP-Maritime Group., milyun-milyong piso ang pondo ng mga ahensiyang ito para sa intelligence gathering na titiyak sa ating seguridad., sa ating kaligtasan. Mayroong din tayong cyber security. Anong nangyari?

Tulad sa pinitalakang tabing., ang mga otoridad ay laging huli., huling dumating sa crime scene, huli sa pangangalap ng impormasyon at huli sa pagbibigay proteksyon sa mamamayang responsibilidad na protektahan laban sa anumang banta.

Nitong June 30, 2026., nabulaga at naisahan ng Iglesia ni Cristo (INC) ang lahat ng law enforcement agency maging ang Office of the President sa isinagawang planado at walang permit na rally sa Edsa People Power monument.
Ang rally ng INC ay lumikha ng matinding abala at perwisyo sa kabuhayan ng libu-libong mamamayan.Libu-libong mamamayan ang hindi nakapasok ng trabaho, apektado ang mga negosyo.

Isinagawa ng INC ang kilos-protesta para protektahan ang miyembrong Senador na nahaharap sa kasong pandarambong matapos amining tumanggap ng 75-milyong pisong campaign funds na hindi idineklara sa kanyang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).

Kapanalig, naiwasan sana ang malaking pinsala kung hindi polpol ang intelligence gathering ng mga ahensiya ng pamahalaan na milyon-milyong piso ang pondo para maging epektibo sa trabaho.

Di kaya Kapanalig, magaling ang ating mga law enforcement agency at security agencies sa “tsismis” gathering? Sa halip na mangalap ng impormasyon para mapigilan ang anumang banta sa seguridad ng taumbayan ay tsismisan lang nang tsimisan sa trabaho?

Kapanalig, sayang lang ang bilyong pisong pondo sa intelligence fund kung ang mismong nagpapatupad nito ay “tsismis” lang ang inaatupag.

Kapanalig, ang Edsa People Power monument ay isang sagradong lugar, isang buhay na paalala ng pagmamahal ng sambayanang Pilipino sa demokrasya, kalayaan at pananagutan. Hindi ito dapat nilalapastangan ng anumang grupo para lamang proteksiyunan ang mga mandarambong.

Sinasabi sa Peter 1: 5-8 “For this very reason, make every effort to add to your faith goodness; and to goodness, knowledge; and to knowledge, self-control; and to self-control, perseverance; and to perseverance, godliness; and to godliness, mutual affection; and to mutual affection, love.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 52,596 total reads

 52,596 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 86,168 total reads

 86,168 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 187,994 total reads

 187,994 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 228,551 total reads

 228,551 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 246,957 total reads

 246,957 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 52,597 total reads

 52,597 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 86,169 total reads

 86,169 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 187,995 total reads

 187,995 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 228,552 total reads

 228,552 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top