Tunay na ecological conversion, panawagan ng kura-paroko ng Malate church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,539 total views

Nanawagan si Fr. Leo Distor, kura paroko ng Our Lady of Remedies Parish o Malate Church, ng isang tunay na ecological conversion at mas matatag na pangangalaga sa kalikasan kasunod ng pagputol sa mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard bilang bahagi ng South Extension Link Expressway (SALEX) Project.

Inihayag ito ng pari sa isinagawang Laudato Si’ Way of the Cross for the Trees, isang panalangin at mapayapang pagkilos bilang pakikiisa sa mga sektor na nananawagan sa pangangalaga sa mga puno at sa sangnilikha sa gitna ng kontrobersiyal na proyekto.

“Tayo ay nagkakatipon hindi lamang upang magluksa sa pagkitil sa buhay ng mga punong pinutol, kundi pagsisisi sa ating pagwawalang-halaga at kapabayaang pangalagaan ang mga puno at ang ibang nilikha at ang pangakong kumalinga at manindigan para sa buhay ng sangniilikha,” pahayag ni Fr. Distor.

Sinabi ni Fr. Distor na ang mga puno ay nagsisilbing mga tahimik na lingkod ng buhay sa loob ng maraming dekada dahil nagbibigay ang mga ito ng lilim, malinis na hangin, proteksyon laban sa init at ulan, at tahanan ng iba’t ibang uri ng hayop nang walang hinihinging kapalit.

Binigyang-diin din nito na ang walang habas na pagputol sa mga puno ay hindi lamang suliraning pangkapaligiran kundi usapin din ng katarungan, pananampalataya, at pananagutan ng tao bilang katiwala ng sangnilikha.

“Kapag ang kalikasan ay ginagawang bagay lamang para sa pansariling kapakinabangan, ang dangal ng nilikha ng Diyos ay nilalapastangan,” dagdag ng pari.

Iginiit ni Fr. Distor na bilang isang Laudato Si’ at Ecological Parish, hindi maaaring manatiling tahimik ang Simbahan habang patuloy na nasisira ang nag-iisang tahanan ng sangkatauhan.

Binigyang-diin din nito na ang sigaw ng lupa ay sigaw din ng mga mahihirap, kaya’t hindi dapat paghiwalayin ang pananampalataya at pananagutan sa pangangalaga ng kalikasan sapagkat ang kinabukasan ng susunod na salinlahi ay nakasalalay sa mga pagpapasyang ginagawa ng kasalukuyang henerasyon.

Hinikayat din ng pari ang mga kabataan na maging mga bagong propeta ng ecological conversion at mga tagapagtaguyod ng buhay at pangangalaga sa kalikasan, habang nananawagan sa lahat ng mananampalataya na isabuhay ang kanilang tungkulin bilang mga katiwala, at hindi mga panginoon, ng sangnilikha.

Ayon pa kay Fr. Distor, ang tunay na pagbabago para sa kapaligiran ay hindi lamang nasusukat sa mga proyektong pangkalikasan kundi sa pagbabagong nakaugat sa puso, pagpapahalaga, at pamumuhay ng bawat isa.

“Ang pagtatanggol sa mga puno ay pagtatanggol sa buhay. Ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol sa kinabukasan.
At ang pagtatanggol sa sangnilikha ay pakikiisa sa Diyos na patuloy na lumilikha, nagmamahal, at nagbibigay-buhay,”
giit ni Fr. Distor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 4,043 total views

 4,043 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 32,394 total views

 32,394 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 100,124 total views

 100,124 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 123,275 total views

 123,275 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 193,179 total views

 193,179 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top