Tunay na pagbabago sa lipunan, nagsisimula sa paghahari ni Kristo-Bishop Caermare

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,679 total reads

Umapela si Dipolog Bishop Severo Caermare, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Commission on the Laity, na pairalin ang katotohanan, pananagutan at tapat na paglilingkod sa gitna ng patuloy na panawagan laban sa katiwalian sa pamahalaan.

Sa pagdiriwang ng banal na misa sa Dipolog Cathedral noong June 28 bilang pakikiisa sa White Ribbon March, iginiit ng obispo na ang paninindigan ng Simbahan ay nakabatay sa Ebanghelyo at hindi sa pulitika.

“Now, as Christians, we do not begin with political slogans. We begin with the Gospel,” ayon kay Bishop Caermare.

Binigyang-diin ng obispo na ang tunay na pagbabago sa lipunan ay nagsisimula sa paghahari ni Kristo sa puso ng bawat tao, na nagbubunga ng katapatan, pananagutan, at paglilingkod sa kapwa.

“Kung si Kristo mao gayud ang una sa kasingkasing sa tawo, ang kamatuoran dili mahimong ibaligya. Kung si Kristo ang una sa kasingkasing sa tawo, ang tulubagon dili mahimong likayan,” ani ng obispo.

Paalala rin ni Bishop Caermare na ang anumang posisyon sa pamahalaan ay isang sagradong pananagutan at hindi dapat gamitin para sa pansariling kapakinabangan.

“Ug ang katungdanan sa gobyerno dili mahimong himuon alang lamang sa kaugalingong interes, kondili isip usa ka sagrado nga tahas nga gitugyan,” saad ng obispo.

Ayon kay Bishop Caermare, ang ugat ng katiwalian ay hindi lamang nakikita sa mga paglabag sa batas kundi pati sa paglayo ng tao sa Diyos.

“When Christ becomes first in our hearts, corruption is not merely a political or legal problem. Corruption is a spiritual problem,” giit ng obispo.

Paliwanag ng obispo na nagsisimula ang korapsyon kapag ang pansariling interes ang inuuna kaysa sa paglilingkod at ang kapangyarihan ay mas pinahahalagahan kaysa sa konsensya.

Kasabay nito, hinimok ng obispo ang bawat Kristiyano na ang katapatan sa pamumuno at pagbabago ng lipunan ay hindi lamang panawagan para sa mga nasa kapangyarihan kundi isang panawagang dapat magsimula sa sariling pagbabagong-loob.

“Authentic reform begins with converted hearts. Ug dili lang kita manawagan niini ngadto sa mga naa sa posisyon. Una natong tan-awon ang atong kaugalingon,” ayon pa kay Bishop Caermare.
Sinabi ng obispo na ang kultura ng korapsyon ay isang suliraning dapat harapin ng buong lipunan.

Iginiit ng obispo na ang tunay na pagbabago ng bansa ay nagsisimula sa maliliit ngunit tapat na gawain ng bawat mamamayan.

Binigyang-diin pa ni Bishop Caermare na mababago lamang ang lipunan kung pipiliin ng mamamayan ang paglilingkod kaysa kapangyarihan at ang katotohanan kaysa sa pansariling kaginhawahan.

Nakiisa ang Diocese of Dipolog sa White Ribbon March bilang pakikiisa sa panawagan ng Simbahan para sa katotohanan, pananagutan, transparency at mabuting pamamahala, kasabay ng paghihikayat sa mga mananampalataya na maging saksi ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng matuwid at tapat na pamumuhay

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 52,646 total reads

 52,646 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 86,217 total reads

 86,217 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 188,043 total reads

 188,043 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 228,600 total reads

 228,600 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 247,002 total reads

 247,002 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top