Values formation sa mga mag-aaral, paiigtingin ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,101 total reads

Isinusulong ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP ang mas pinaigting na pagtuturo sa mga kabataan ng values formations subjects upang maging kaugalian ang mas maayos na pakikipagkapwa, paggalang sa batas at mabuting asal sa mga kabataan.
Ayon kay CEAP Vice-president Father Wilmer Tria, ito ay matapos ang magkakasunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan na biktima ang mga inosenteng estudyante, guro at kawani ng mga paaralan.

Ayon sa Pari, nananatili ang paninindigan ng CEAP na huwag tanggalin sa General Education Curriculum ang pagtuturo ng mga subject sa values education o formation.

Naniniwala ang Pari na mababawasan o tuluyang maiwaksi ang mga insidente ng karahasan sa mga paaralan kapag napaigting ang character formation sa mga mag-aaral.

“So kami ay talagang nag-worry na nangyayari ito. So kami nagpalabas kaagad ng statement. Kailangan palakasin natin ang education, especially yung values education, yung virtue, yung formation. Gusto nga tanggalin sa general education. Ayaw na ayaw natin maalis ang ethics sa ating mga curriculum dahil ito ang kailangan ng mga tao, yung character formation. Kaya ito po yung paninindigan namin na kailangan na bantayan ang mga kabataan at sa pagbabantay, mabigyan natin ng mga tamang lessons para sa kanila. Para sila po ay maging ganap na mga tao. Hindi lang may skills sa technology, kundi talagang merong mga lessons coming from the heart and for the heart,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Tria.

Hinikayat din ni Fr.Tria ang pamahalaan, mga magulang at legal guardians na paigtingin din ang monitoring sa social media at digital flatforms activities ng mga kabataan upang mapigilan sa masamang epekto nito sa moral foundations ng mga estudyante.

Nanawagan din ang Pari sa pamahalaan na magpatupad ng mga polisiyang higpitan ang access ng mga kabataan sa social media platforms.

“Actually talaga, kahit sa ibang bansa, may mga bata na hindi muna in-expose dito sa social media. Kasi sa social media, lalo na ng mga games na ‘yan, wala nang boundaries, walang fences, walang nagbabantay, So accessible sa lahat. Kaya dapat yung mga magulang ay may malaking part dito sa pagbabantay at paghuhubog ng mga kabataan. Kasi hindi sila pwedeng ma-expose kahit sa mga materials na hindi bagay sa kanila,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Father Tria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 53,651 total reads

 53,651 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 87,163 total reads

 87,163 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 188,989 total reads

 188,989 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 229,546 total reads

 229,546 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 247,895 total reads

 247,895 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

73-taong paglilingkod sa mahihirap

 371 total reads

 371 total reads Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng

Read More »
Scroll to Top