LGU, may kapangyarihang hindi magbigay ng mining endorsement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,293 total reads

Iginiit ni Bayay Sibuyanon chairperson Rodne Galicha na may ganap na kapangyarihan ang Sangguniang Bayan ng San Fernando, Romblon na tanggihan ang kahilingan ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) para sa municipal endorsement kung hindi nito matutugunan ang mga umiiral na lokal na polisiya, batas pangkalikasan at geohazard frameworks.

Ito ang binigyang-diin ni Galicha matapos siyang dumalo bilang resource person sa Committee of the Whole hearing ng Sangguniang Bayan na tumalakay sa kahilingan ng APMC para sa kinakailangang pag-endorso ng lokal na pamahalaan sa planong pagmimina sa bayan.

Aniya, malinaw sa desisyon ng Korte Suprema na may awtoridad ang mga local government unit na suriin ang bawat mining application at hindi obligadong magbigay ng endorsement kung hindi natutugunan ng proyekto ang mga lokal na polisiya at iba pang lehitimong konsiderasyon.

“The High Court clarified that local government units have the independent authority to evaluate each individual mining application, express their concerns or objections thereto, and withhold their approval if these concerns are not addressed,” pahayag ni Galicha.

Binigyang-diin din ni Galicha na ang posibleng pagtanggi ng Sangguniang Bayan ay hindi maituturing na ‘grave abuse of discretion’ dahil nakabatay ito sa mahigit dalawang dekadang magkakasunod na mga resolusyon ng pamahalaang bayan at mga barangay, gayundin sa 2022 Comprehensive Land Use Plan ng San Fernando na nagpapakita ng matatag na pagtutol sa pagmimina sa isla.

Dagdag pa nito, hindi dapat hadlangan ng banta ng posibleng demanda ang malayang pagpapasya ng mga halal na opisyal habang nagpapatuloy pa lamang ang kanilang pagtalakay sa usapin.

“The burden lies entirely on the mining corporation to prove that its project satisfies the town’s zoning mandates, environmental laws, and geohazard frameworks,” ayon kay Galicha.

Iginiit pa ni Galicha na sakaling magpasya ang Sangguniang Bayan na hindi iendorso ang proyekto bilang pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mamamayan, ito ay ganap na naaayon sa kapangyarihang ipinagkaloob sa mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Local Government Code, habang nasa kumpanya ang pagpapasya kung hahamunin nito sa hukuman ang magiging desisyon ng konseho.

Nanawagan si Galicha sa mamamayan ng Sibuyan na patuloy na suportahan ang kanilang mga lokal na lider sa pagtatanggol sa kalikasan at igalang ang demokratikong proseso sa pagdedesisyon hinggil sa mga proyektong may malaking epekto sa komunidad.

Kaakibat nito ang patuloy na paalala ng Simbahan, lalo na sa diwa ng Laudato Si’, na ang pangangalaga sa kalikasan ay isang pananagutang moral at pagpapahayag ng pag-ibig sa Diyos, sa kapwa, at sa mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,188 total reads

 233,188 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,919 total reads

 264,919 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,743 total reads

 366,743 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,306 total reads

 407,306 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,341 total reads

 418,341 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,479 total reads

 143,479 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top