Hindi sapat ang siyensya lamang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 161,464 total reads

Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group na susuri sa mga imumungkahing imprastraktura para ibsan ang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.

Tatlong eksperto sa kani-kanilang larangan ang magiging kasapi ng nasabing technical working group. Una ay si Dr Carlos Primo David, isang geologist na kasalukuyang naglilingkod bilang undersecretary sa DENR. Kasama niya ang isa pang geologist na si Dr Mahar Lagmay, propesor sa UP at director ng Project NOAH o Nationwide Operational Assessment of Hazard. Mula rin sa UP ang ikatlong miyembro na si Dr Guillermo Tabios III, isang kilalang flood control engineer na nagtuturo sa UP Institute of Civil Engineering.

Sabi ni Secretary Dizon, walang flood control project na popondohan sa 2027 na hindi bibigyan ng clearance ng technical working group. Kailangan daw malinaw ang plano ng mga ipatatayong flood control infrastructure ng ahensya, bagay na wala sa maraming projects ngayon. Sa isang hearing nga sa Senado, sinabi ng kalihim ng DPWH na sa 946 na flood control projects ng kagawaran, 798 o nasa 84% ng mga ito ay “potential duplicates” o posibleng pare-pareho lang. Patunay ito na wala talagang sinusundang plano ang ahensya. 

Kasama rin sa mga trabaho ng technical working group ang pagbubuo ng initial plan para sa mga proyekto ng DPWH. Sa pagbubuo ng planong ito, magiging pangunahing batayan daw ng technical working group ang siyensya. Science-based approach ang kanilang gagawin, ayon kay Dr Lagmay. Sa ganitong paraan, tiyak daw na walang makalulusot na pagnanakaw sa pera ng bayan. 

Maganda ang hakbang na ito ng DPWH, pero gaya sa anumang plano, sana ay may puwang din para mapakinggan ang mga maaapektuhang komunidad. Alam naman nating marami tayong mga kababayan—lalo na ang mahihirap—ang naninirahan sa mga tinatawag na danger zones, mga lugar na lantad sa panganib gaya ng pagbaha at pagtaas ng tubig. Kung siyensya lamang ang batayan, hindi natin maitatangging peligrosong manirahan sa mga lugar gaya ng tabing-ilog, estero, at tabing-dagat. Sabi nga, may disaster o sakunang nangyayari kapag may mga tao o komunidad na maapektuhan. Kung wala namang tao sa isang lugar na binabagsakan ng tubig-baha, halimbawa, walang disaster na matatawag.

Pero sa realidad, wala namang access sa mga ligtas na lugar ang mga mahihirap na pamilya. Mahal ang lupa sa mga lugar na hindi binabaha, kaya ang naiiwan sa mga walang kakayahang bumili ng lupa at magpatayo ng matatag na bahay ay ang mga lugar na hindi nga dapat tirahan, kung siyensya nga ang pag-uusapan. 

Mahalaga ang siyensya pero hindi lamang ito ang dapat na maging batayan sa pagpaplano ng mga flood control projects. May mga tao at pamilyang lubhang maapektuhan. May mga buhay at kabuhayang dapat isaalang-alang. Alam naman nating marami nang flood control projects ang gobyerno ang nagdulot ng pagpapalayas sa mga pamilya at pagtatapon sa kanila sa malalayong relokasyon. Maraming taon ang tinitiis nila bago nila masabing nakakaraos na sila roon. Patunay ito ng sinasabi sa Catholic social teaching na Caritas in Veritate na hindi lamang siyensya ang makapaglalatag ng daan tungo sa kaunlaran ng tao. Dapat din itong sabayan ng pagkakawanggawa o charity kung saan kapakanan ng tao ang layunin. 

Mga Kapanalig, nasa puso ng siyensya ang sinasabi sa Mga Kawikaan 15:14 na paghahangad ng karunungan ng mga “taong may unawa.” Pero dahil may mga taong maapektuhan ng anumang imumungkahi ng siyensya, partikular na sa usapin ng flood control, dapat pakinggan at seryosohin din ng ating mga eksperto ang boses mula sa mga komunidad. 

Sumainyo ang katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 19,137 total reads

 19,137 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 38,818 total reads

 38,818 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,477 total reads

 78,477 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 112,605 total reads

 112,605 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 169,010 total reads

 169,010 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 38,819 total reads

 38,819 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,478 total reads

 78,478 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 112,606 total reads

 112,606 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 169,011 total reads

 169,011 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top