Obispo ng Ilagan, itinalagang arsobispo ng Nueva Segovia ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,960 total views

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Ilagan Bishop David William Antonio bilang bagong Arsobispo ng Archdiocese of Nueva Segovia sa Ilocos Sur.

Ipinahayag ng Vatican ang naturang pagtatalaga matapos tanggapin ng Santo Papa ang pagretiro ni Archbishop Marlo Peralta, na umabot na sa mandatory retirement age na 75.

Si Archbishop-designate Antonio, na tubong Nagtupacan, Sto. Domingo, Ilocos Sur, ay ipinanganak noong December 29, 1963.
Nagtapos ng philosophy sa San Pablo Seminary sa Baguio City at theology naman sa Immaculate Conception School of Theology sa Vigan City.

Kalaunan ay nagkamit ng Doctorate in Theology sa Catholic University of America sa Washington, D.C.

Naordinahang pari ng Archdiocese of Nueva Segovia noong December 1, 1988. Naging professor siya ng Immaculate Conception School of Theology at dean of studies ng seminaryo mula 1993 hanggang maitalaga bilang rector.

Noong 2005, nagsilbi rin siyang Kura Paroko ng Saint Lucy Parish sa Ilocos Sur at naging vicar general ng arkidiyosesis.
Itinalaga naman siya ni Pope Benedict XVI bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Nueva Segovia noong June 15, 2011, at ginawaran ng episcopal ordination noong August 26 ng parehong taon.

Noong March 2018, hinirang siya bilang Apostolic Administrator ng Apostolic Vicariate of San Jose sa Mindoro, at kalaunan ay naging Obispo ng Diocese of Ilagan noong November 2018, kung saan siya pormal na iniluklok noong February 2019.

Bilang bagong arsobispo, ipapastol ni Archbishop-designate Antonio ang mahigit kalahating milyong Katoliko ng arkidiyosesis, katuwang ang higit 80 mga pari.

Ang Archdiocese of Nueva Segovia, isa sa mga pinakamatandang arkidiyosesis sa bansa, ay may mahalagang papel sa kasaysayan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 10,188 total views

 10,188 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,539 total views

 38,539 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 106,269 total views

 106,269 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 129,420 total views

 129,420 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,880 total views

 198,880 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top