LUNES, SETYEMBRE 25, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,490 total views

Lunes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Esdras 1, 1-6
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Lucas 8, 16-18

Monday of the Twenty-fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Esdras 1, 1-6

Ang simula ng aklat ni Esdras

Nang unang taon ng pamamahala ni Haring Ciro ng Persia, nilukuban siya ng Espiritu ng Panginoon. Nangyari ito upang matupad ang kanyang salita sa pamamagitan ni Propeta Jeremias. Kaya, si Haring Ciro ay sumulat ng ganito:

“Niloob ng Panginoon, ng Diyos ng Kalangitan, na masakop ko ang lahat ng bansa sa daigdig. At sinabi niya sa aking ipagtayo ko siya ng isang templo sa Jerusalem, Juda. Kaya pinahihintulutan ko ang lahat ng Israelita na magpunta sa Jerusalem, ang bayan ng kanilang Diyos, upang itayong muli ang bahay ng Panginoon. Pagpalain nawa sila ng Diyos. Lahat ng mamamayan sa lugar na may Israelita ay tutulong sa kanila. Bigyan sila ng mga pilak, ginto at iba pang kailangan, tulad ng mga hayop at mamahaling kasangkapan, bukod sa kusang handog para sa templo ng Panginoon.”

Tumugon naman sa panawagang iyon ang mga puno ng sambahayan ng mga lipi nina Juda at Benjamin, ang mga saserdote at mga Levita, at lahat ng napukaw ang kalooban upang tumulong sa muling pagtatayo ng templo sa Jerusalem. At sila’y tinulungan ng mga mamamayan sa lupaing tinitirhan nila. Binigyan sila ng mga pilak at ginto. Binigyan din sila ng hayop at mamahaling kasangkapan, bukod sa kusang handog nila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik,
ang nangyaring kasaysaya’y parang isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
“Ang ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!”
Dakila ngang masasasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, kagalaka’y di kawasa!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, kami, Poon, ay ibalik.
Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha,
bayaan mo na mag-aning masasaya’t natutuwa.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Yaong mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis,
ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

ALELUYA
Mateo 5, 16

Aleluya! Aleluya!
Dapat kayong magliwanag
nang kabutiha’y mahayag
at D’yos ang s’yang matanyag.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 8, 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ito sa talagang patungan upang makita ng mga pumapasok ang liwanag. Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di malalaman at mabubunyag.

Kaya pagbutihin ninyo ang inyong pakikinig; sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niyang nasa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Manalangin tayo sa Diyos Ama upang magdulot sa lahat ng pag-asa at kapayapaan ang liwanag ng kanyang Anak na si Jesu-kristo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Luwalhatian ka nawa ng aming buhay, O Panginoon.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging isang tulad ng dakilang ilaw na nagliliwanag sa kadiliman sa pamamagitan ng kanilang pagtatatag ng isang higit na mabuting daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bansa nawa’y makapagdala ng sinag ng pag-asa sa mga nagdurusa sa pamamagitan ng pagbibigay ng katarungan sa mga inaapi at dangal sa bawat tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y maging tulad ng liwanag sa taluktok ng bundok na gumagabay sa kanilang mga anak sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang huwarang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, ang mga nalulumbay, at ang mga may pusong sawi nawa’y matagpuan ang liwanag ni Kristo sa gitna ng kanilang pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang liwanag, kaligayahan, at kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama, bigyan mo kami ng bagong kamulatan at kalakasan upang aming maitalaga ang paglilingkod namin sa kapwa at maging ilawan kaming nagliliwanag sa kanila. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 7,372 total views

 7,372 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 29,377 total views

 29,377 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 53,719 total views

 53,719 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 77,866 total views

 77,866 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 113,186 total views

 113,186 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Mayo 1, 2026

 3,822 total views

 3,822 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa

Read More »

Huwebes, Abril 30, 2026

 6,493 total views

 6,493 total views Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 13, 13-25 Salmo 88, 2-3.

Read More »

Miyerkules, Abril 29, 2026

 7,899 total views

 7,899 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6

Read More »

Martes, Abril 28, 2026

 6,592 total views

 6,592 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis

Read More »

Lunes, Abril 27, 2026

 5,507 total views

 5,507 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (II) Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4. Aking

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top