Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, SETYEMBRE 29, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,975 total views

Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael

Daniel 7, 9-10. 13-14
o kaya Pahayag 12, 7-12a
Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Juan 1, 47-51

Feast of Saints Michael, Gabriel, and Raphael, Archangels (White)

UNANG PAGBASA
Daniel 7, 9-10. 13-14

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Habang ako’y nakatingin, may naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang isang nabubuhay magpakailanman. Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuotan at parang lantay na lana ang kanyang buhok. Ang trono niya’y nagniningning. Ang mga gulong nito ay apoy na nagliliyab. Waring agos ng tubig ang apoy na bumubuga mula sa trono. Ang naglilingkod sa kanya’y isang milyon bukod pa sa milyon-milyong nakaantabay. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang aklat. Patuloy ang aking pangitain. Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap. Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian. Siya ay paglilingkuran ng lahat ng tao, bansa at wika. Ang pamamahala niya ay di matatapos, at di babawiin, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Pahayag 12, 7-12a

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Sumiklab ang digmaan sa langit! Naglaban si Arkanghel Miguel, kasama ang kanyang mga anghel, at ang dragon, kasama naman ng kanyang mga kampon. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit. Itinapon ang dambuhalang dragon – ang matandang ahas na ang pangala’y Diyablo o Satanas, na dumaya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa, pati ang kanyang mga kampon.

At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan! Pagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin. Nagtagumpay sila laban sa Diyablo sa pamamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan; hindi sila nanghihinayang sa kanilang buhay. Kaya’t magalak kayo, kalangitan, at lahat ng naninirahan diyan!”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasasalamat
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap
sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari,
pupurihin ka ng lahat at ika’y ipagbubunyi;
ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin,
at ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

ALELUYA
Salmo 102, 21

Aleluya! Aleluya!
Ang Panginoo’y purihin
ng lahat n’yang mga anghel
na tapat at masunurin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 47-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus si Natanael, ay kanyang sinabi, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi mandaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “Nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
San Miguel, San Gabriel, at San Rafael

Ang ating mga panalangin sa araw na ito ay inilalapit natin sa Ama sa pamamagitan ng pagkilos ng mga banal na Arkanghel, ang mga ganap na espiritu na walang tigil na naglilingkod sa Diyos at sa kanyang bayan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng paglilingkod ng mga anghel, pagpalain mo kami, O Panginoon.

Ang mga Kristiyanong nagdurusa dahil sa pag-uusig nawa’y ipagtanggol at palakasin ni San Miguel, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagpapahayag ng katotohanan nawa’y mabuhayan ng loob sa pangangalaga ni San Gabriel, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga kapatid na maysakit at nagdurusa nawa’y aliwin ni San Rafael, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng kababaan ng loob sa harap ng hiwaga ng paglikha na hindi natin nakikita, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang laging mamalayan ang pagkilos ng ating mga anghel na tagatanod, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na Maylikha sa amin, tanggapin mo ang aming mga panalangin at kahilingan habang nagdiriwang kami dahil sa tulong ng mga anghel sa kalangitan na natitipon sa paligid ng dambanang ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 94,145 total views

 94,145 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 139,868 total views

 139,868 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 142,078 total views

 142,078 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 212,205 total views

 212,205 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 217,276 total views

 217,276 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hunyo 18, 2026

 5,692 total views

 5,692 total views Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Sirak 48, 1-15 Salmo 96, 1-2. 3-4. 5-6. 7 Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

Read More »

Miyerkules, Hunyo 17, 2026

 7,267 total views

 7,267 total views Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 2, 1. 6-14 Salmo 30, 20, 21. 24 Magpakatatag ang tanang may tiwala

Read More »

Martes, Hunyo 16, 2026

 7,269 total views

 7,269 total views Martes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 17-29 Salmo 50, 3-4. 5-6a. 11 at 16 Poon, iyong kaawaan kaming

Read More »

Lunes, Hunyo 15, 2026

 7,600 total views

 7,600 total views Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 1-16 Salmo 5, 2-3. 5-6. 7 Panginoon, ako’y dinggin, pagbigyan sa aking

Read More »

Linggo, Hunyo 14, 2026

 6,885 total views

 6,885 total views Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 19, 2-6a Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan, kabilang sa kanyang kawan. Roma

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top