BIYERNES, OKTUBRE 13, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,543 total views

Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Joel 1, 13-15; 2, 1-2
Salmo 9, 2-3. 6 at 16. 8-9

Makatarungang paghatol
ang igagawad ng Poon.

Lucas 11, 15-26

Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Joel 1, 13-15; 2, 1-2

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel

Magluksa kayo at tumangis, mga saserdoteng naghahandog ng haing susunugin sa dambana ng Panginoon, pumasok kayo sa templo at manatili roong magdamag na nakasuot ng sako.

Walang trigo o alak na ihahandog sa dambana ng inyong Diyos.

Iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat.

Tawagin ninyo ang mga tao upang sumamba.

Tipunin ninyo ang matatanda at lahat ng taga-Juda, pumasok kayo sa templo ng Panginoon na inyong Diyos at sumamo sa kanya.

Malapit na ang Araw ng Panginoon at magaganap ang pagkawasak na likha ng kanyang kamay.

Kalagim-lagim ang araw na yaon!

Hipan ninyo ang trompeta, ibigay ang hudyat sa Sion, sa banal na burol ng Diyos.

Manginig ang lahat ng nananahan sa Juda, dumating na ang Araw ng Panginoon.

Ito’y makulimlim at malungkot na araw, madilim ang buong paligid; at lumitaw ang napakakapal na balang tulad ng paglaganap ng liwanag sa kabundukan kung nagbubukang-liwayway.

Hindi pa nangyayari ang ganito nang mga nakaraang panahon at hindi na mangyayari pang muli.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 9, 2-3. 6 at 16. 8-9

Makatarungang paghatol
ang igagawad ng Poon.

O Panginoon ko, buong puso kitang pasasalamatan,
ang kahanga-hangang ginawa mo, Poon, aking isasaysay;
dahilan sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan,
pupurihin kita, Panginoon naming Kataas-taasan.

Makatarungang paghatol
ang igagawad ng Poon.

Iyong hinatulan yaong mga Hentil at mga balakyot,
alaala nila sa balat ng lupa’y pinawi mong lubos.
Itong mga Hentil, nahulog sa hukay na ginawa nila,
sa kanilang bitag na umang sa akin, ang nahuli’y sila.

Makatarungang paghatol
ang igagawad ng Poon.

Dapat kilalaning Haring walang hanggan itong Panginoon,
kanyang itinatag yaong kaniyang trono, upang doon humatol.
Ang pamamahala niya sa daigdig, pawang naaayon
sa makatarungan niyang pagpapasiya, bilang isang hukom.

Makatarungang paghatol
ang igagawad ng Poon.

ALELUYA
Juan 12, 31b-32

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay itinampok,
sa kanya tayo’y dumulog,
kasamaan ay natapos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 15-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, matapos palayasin ni Hesus ang isang demonyo, nanggilalas ang mga tao. Ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.” May iba namang nais siyang subukin, kaya’t nagsabi, “Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.” Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi sa kanila, “Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayun? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.

“Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.

“Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.

“Kapag lumabas na mula sa tao ang isang masamang espiritu, ito’y gumagala sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan ay sasabihin nito sa sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ Pagbabalik ay matatagpuan niyang malinis na ang bahay at maayos. Kaya, lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung masasama kaysa kanya, at papasok sila at maninirahan doon. Kaya’t sumasama kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Natitipon kay Kristong lumulupig sa lahat ng kasamaan, lumapit tayo sa Ama nang may pananalig dala ang ating idinadalanging mithiin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagtagumapayan nawa namin ang lahat kay Kristo, O Ama.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at magbigay ng tapat na pagsaksi sa mga tamang pinahahalagahan sa buhay upang makatulong na ibangon ang nalugmok na sandaigdigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawa’y magkaroon ng tapang na magsalita nang hayagan sa ngalan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Buong puso nawa nating suportahan ang pagsulong ng katotohanan at labanan ang hindi hayagang impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga taong nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa, nawa’y tanggapin sa kaganapan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, habang itinataas namin ang aming mga panalangin, pinasasalamatan ka namin sa iyong Anak na lumupig sa kasalanan at kamatayan, siya na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 10,109 total views

 10,109 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 80,221 total views

 80,221 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 154,835 total views

 154,835 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 234,914 total views

 234,914 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 277,835 total views

 277,835 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Hulyo 19, 2026

 1,156 total views

 1,156 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Karunungan 12, 13. 16-19 Salmo 85, 5-6. 9-10. 15-16a Poon, ikaw ay mabuti sa lahat ng

Read More »

Sabado, Hulyo 18, 2026

 3,105 total views

 3,105 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 4,647 total views

 4,647 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 5,793 total views

 5,793 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 6,718 total views

 6,718 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top