Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 653 total views

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ipalagay natin na ang isa sa inyo’y nagpunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, ‘Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay. Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ At ganito naman ang sagot ng kanyang kaibigan sa loob ng bahay, ‘Huwag mo nga akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makababangon pa upang bigyan kita ng iyong kailangan.’ Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan sa pagpupumilit nito. Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya’y humihingi ng itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”
————
Karamihan sa atin ay maiirita sa isang taong (kahit kaibigan) na masyadong makulit sa kanyang hinihingi kahit sinabihan na natin na hindi natin mapagbibigyan. Ipinapakita sa atin ni Jesus ang Diyos na higit na kakaiba sa atin, na laging ibibigay ang ating hinihiling kahit hindi tayo karapat-dapat. Siya ay isang napakabuti at napakamapagbigay na Ama. Kapag mayroon tayong hinihiling sa Diyos, kailangan natin itong hingin ng MAY KARUNUNGAN mula sa Espiritu Santo. Hindi tayo humihiling dahil lang gusto natin. Pag tayo ay may hinihiling sa kanya, iisipin natin na hindi tayo lang ang makikinabang dito kundi pati ang iba. Ang pinakamahalaga sa panalangin ng paghiling ay ang LUBOS NA TIWALA sa Diyos. Ito ay ang pagkilala na sapagkat siya ay Diyos, siya lamang ang nakakaalam ng pinakamabuting paraan at pinakamabuting panahon ng pagsagot sa ating hinihiling.
Mataimtim nating ipanalangin na matapos na ang karahasang nagaganap ngayon sa lupang sinilagangan ni Jesus, kung saan siya naging ganap na Tagapagligtas ng ating sanlibutan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 31,719 total views

 31,719 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 60,070 total views

 60,070 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 127,800 total views

 127,800 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 150,951 total views

 150,951 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 218,800 total views

 218,800 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RECOGNIZE and EXPERIENCE

 3,400 total views

 3,400 total views Gospel Reading for July 20, 2026 – Matthew 12: 38-42 RECOGNIZE and EXPERIENCE Some of the scribes and Pharisees said to Jesus, “Teacher,

Read More »

CHOOSE GOD

 4,543 total views

 4,543 total views Gospel Reading for July 19, 2026 – Matthew 13: 24-30 CHOOSE GOD Jesus proposed another parable to the crowds, saying: “The kingdom of

Read More »

RECOGNIZE

 3,444 total views

 3,444 total views Gospel Reading for July 18, 2026 – Matthew 12: 14-21 RECOGNIZE The Pharisees went out and took counsel against Jesus to put him

Read More »

VERY PRECIOUS GIFT

 3,692 total views

 3,692 total views Gospel Reading for July 17, 2026 – Matthew 12: 1-8 VERY PRECIOUS GIFT Jesus was going through a field of grain on the

Read More »
Scroll to Top