Makabagong Makapili?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,227 total reads

Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili?

Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan ang mga dayuhan at pahinain ang anumang puwersang lumalaban sa pananakop. Tinawag itong Makabayang Katipunan ng mga Pilipino—Makapili, for short. Para maisakatuparan ang kanilang misyon, isinusumbong ng mga Makapili ang mga kababayan nating kontra sa mga Hapon. May mga pagkakataong kasama pa sila sa pagdakip at pagpatay sa kapwa nila Pilipino. Nang matapos ang giyera, ginamit na ang salitang “Makapili” para sa mga kababayan handang tumraydor at kumakampi sa mga dayuhan.

Ganito ituring ang mga Pilipinong kumikita sa pamamagitan ng pagiging “keyboard warriors” sa mga troll farms na pinatatakbo diumano gamit ang pera mula sa China.

Sa isang pagdinig sa Senado, isiniwalat ng National Security Council na may mga “state-sponsored campaign” ang China para impluwensyahan ang ating eleksyon. Hindi na baril at armas ang ginagamit ngayon—sa social media na ang labanan. Lumutang sa hearing na nagbabayad diumano ang Chinese embassy sa mga troll farms na nag-eempleyo naman ng mga Pilipino. Ang trabaho nila ay magpakalat ng maling impormasyon at kasinungalingan para siraan ang administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.

Target din ng mga troll farms ang pagpapakalat ng fake news tungkol sa patakaran natin hinggil sa West Philippine Sea. Sa kanilang mga posts, pinalalabas ng mga trolls na mali ang ating paninindigan para ipaglaban ang ating exclusive economic zone sa karagatang inaangkin ng China. Inuulit-ulit nila ang propaganda ng China tungkol sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea. Kasabay nito ang paninira sa mga kandidatong ipinaglalaban—totoo man o hindi—ang ating soberenya.

Ayon sa National Intelligence Coordinating Agency, ang “information warfare” na pinopondohan diumano ng China ay layong guluhin ang opinyon ng publiko sa mga nangyayari sa ating bansa. Hindi malayong maimpluwensyahan nito ang pagboto natin sa darating na eleksyon. Kung mapatutunayang totoo, parang mga Makapili nga ang mga kababayan nating nasa mga troll farms—kumakampi sa dayuhan at nagpapakalat ng kasinungalingan kapalit ng pera.

Noong 2017, naglabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ng isang liham pastoral para paalalahanan tayong labanan ang fake news. Ang kasinungalingang kumakalat sa social media, sabi ng ating mga obispo, ay hindi lamang nakasisira sa kakayahan at talino nating mga tao na alamin ang katotohanan. Kasalanan ito laban sa pagkakawanggawa o charity, sa Ingles. Hinahadlangan ng fake news at ng mali at malisyosong impormasyon ang pagpili at paggawa natin ng tama. Sa halip, nauudyukan ang mga taong nakatatanggap at naloloko ng mga ito na gumawa ng mali, gaya ng pagsisinungaling, paninirang-puri, at maging pagtataksil sa ating bayan.

Kaya naman, tayong mga mananampalataya ay pinaaalalahanang umiwas sa pagpapakalat ng fake news. Kung kaya natin, ituwid natin ang mga maling impormasyon. Maging mapanuri sa ating mga nababasa. Samantala, huwag din sana nating ipagpalit ang katotohanan at ang ating mismong dignidad sa perang iniaalok ng mga nagpapatakbo ng mga troll farms. Totoong mahirap kumita sa mga panahong ito, pero sigurado namang may ibang paraan para matustusan natin ang ating mga pangangailangan nang hindi nanlilinlang ng ating kapwa at hindi nawawala ang pagmamahal natin sa bayan.

Mga Kapanalig, lalo pang iigting ang pagkalat ng fake news, bago at pagkatapos ng eleksyon sa Lunes. Ngayong nasa social media ang labanan, literal na nasa ating mga kamay ang paghinto sa paglaganap ng maling impormasyon. “Marami nang huwad na propeta sa mundong ito,” wika nga sa 1 Juan 4:1. Sa panahon natin ngayon, matatagpuan natin sila sa social media. Huwag tayong sumali sa kanila. Huwag tayong magpagamit sa kanila. Huwag tayong maging mga makabagong Makapili.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 95,724 total reads

 95,724 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 189,754 total reads

 189,754 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 234,022 total reads

 234,022 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 257,131 total reads

 257,131 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 327,880 total reads

 327,880 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 95,725 total reads

 95,725 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 189,755 total reads

 189,755 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 234,023 total reads

 234,023 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 257,132 total reads

 257,132 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top