Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PPCRV command center, opisyal na binuksan

SHARE THE TRUTH

 6,549 total views

Opisyal ng binuksan at pinasinayaan ng pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting ang magsisilbing Command Center ng PPCRV na isa sa citizens arm ng Commission on Elections (COMELEC) para sa nakatakdang May 12, 2025 Midterm National and Local Election.

Pinangunahan ni PPCRV Chairperson Evelyn Singson kasama ang PPCRV Board of Trustees ang Power Up Activity o Kick Off and Ribbon-Cutting Ceremony ng PPCRV Command Center na matatagpuan dito sa PLDT SAMPALOC MITC Building na sa kahabaan ng Espana, Blvd.

Personal ding nakibahagi sa pagpapasinaya ng PPCRV Command Center si COMELEC Chairman George Erwin Gacia, PPCRV Founder and Chairman-emeritus Ambassador Henrietta De Villa, 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. at CBCP Executive Secretary Msgr. Bernardino Pantin.

Inaasahang dito isasagawa ang unofficial parallel count ng PPCRV upang matiyak na walang dagdag-bawas na magaganap sa resulta ng nakatakdang Midterm Elections.

Layunin ng pagsasagawa ng unofficial parallel count na matiyak ang resulta at kredibilidad ng halalan sa pamamagitan ng pagbabantay at pagsusuri sa mga transmitted results ng COMELEC.

Nauna ng umapela ng tulong ang PPCRV mula sa iba’t ibang sektor upang makapagbahagi ng mga kinatawan na maaring makatulong sa pagtatala ng mga impormasyon kaugnay sa isasagawang unofficial parallel count bilang mga volunteer encoders sa PPCRV Command Center para sa resulta ng Midterm Elections.

Samantala bukod sa pagtiyak sa teknikal na pagbabantay sa resulta ng halalan ay nauna na ring nanawagan ang PPCRV upang makibahagi lalo na ang mga kabataan sa pagbabantay sa nakatakdang halalan sa May 12, 2025.
Kaugnay nga nito bahagi ng layunin ng inilunsad ng PPCRV na Tibok Pinoy values development program ng maisulong ang paghuhubog ng mga model Filipino o mamamayang maka-bayan, maka-Diyos at matapat na katangiang dapat ding taglayin at hanapin ng mga botante sa mga ihahalal na opisyal ng pamahalaan.

Umaasa rin ang PPCRV na mahimok ang mas maraming kabataan na makilahok at makibahagi sa mga usaping panlipunan partikular na lamang ang nakatakdang halalan dahil sa malaking papel na kanilang ginagampanan para sa kinabukasan ng bayan.

Batay tala ng Commission on Elections (COMELEC), sa mahigit 69.6 na milyong registered voters 63-porsyento dito ay mga Millennials at Gen Z, o mga kabataan na nasa edad 18 hanggang 35 taong gulang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 71,045 total views

 71,045 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 103,040 total views

 103,040 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,832 total views

 147,832 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,802 total views

 170,802 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,200 total views

 186,200 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,748 total views

 9,748 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,234 total views

 60,234 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 37,825 total views

 37,825 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 44,764 total views

 44,764 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,219 total views

 54,219 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top