CBCP President nanawagan sa kapwa Obispo na tumulong sa pagpapatayo ng Pro-cathedral ng Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,239 total reads

Nanawagan si CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa mga diyosesis at obispo sa buong bansa na magkaisa sa pagtulong para sa muling pagpapatayo ng Pro-Cathedral ng Prelatura ng Marawi, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa Simbahang patuloy na bumabangon mula sa pinsalang dulot ng Marawi Siege.

Ito ang panawagan ng Arsobispo kaugnay ng pagbisita sa Arkidiyosesis ng Lipa ng Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi ng Aid to the Church in Need (ACN) Philippines, na naglalayong palalimin ang kamalayan ng mga mananampalataya sa kalagayan ng mga inuusig na Kristiyano at makalikom ng suporta para sa muling pagtatayo ng Pro-Catedral ng Prelatura ng Marawi.

Ibinahagi rin ni Archbishop Garcera na personal niyang nasaksihan ang kalagayan ng Prelatura ng Marawi kaya’t umaasa siya sa aktibong pakikiisa ng buong Simbahan sa Pilipinas sa layunin ng misyon.

“Mahalaga para sa aming mga Obispo na tulungan natin ang Prelatura ng Marawi. Dumalaw ako sa Prelatura ng Marawi at nakakaawa. Hinihikayat ko ang mga kapatid kong Obispo, mga diyosesis sa buong Pilipinas na magkaroon tayo ng pag-aambag, we call it sharing or generosity,” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Garcera sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaalala rin ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang pagiging bukas-palad ay pagpapakita ng kabutihan ng Diyos na patuloy na dumadaloy sa Kanyang bayan.

“Remember, God is a very generous God at tayo ay pinagdadaluyan ng biyaya ng Diyos. Kaya sige po, tulungan natin ang ating mga kapatid na nangangailangan ng isang lugar upang magdasal at kilalanin ang kabutihan ng Diyos,” Dagdag ng Archbishop Garcera.

Nagpapasalamat naman si Archbishop Garcera sa ACN-Philippines sa pagdadala ng caravan sa Arkidiyosesis ng Lipa, na nagbigay ng pagkakataon sa mga mananampalataya ng arkidiyoses na makiisa sa misyong isinusulong para sa Prelatura ng Marawi.

“Maraming salamat sa pagdalaw ninyo dito sa Batangas, sa Archdiocese of Lipa upang kami rin ay may maiambag sa kabutihan ng Diyos at sa tulong ng Aid to the Church in Need,” Ayon pa kay Archbishop Garcera.

Patuloy na umiikot sa iba’t ibang diyosesis ang Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi, tampok ang naipanumbalik na imahen ng Our Lady Mary Help of Christians of Marawi at isang exhibit na naglalahad ng misyon ng Prelatura sa pagsusulong ng kapayapaan, interreligious dialogue, at pagkakaisa habang naghahanda ito sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo sa Nobyembre 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,056 total reads

 8,056 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,644 total reads

 47,644 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 82,966 total reads

 82,966 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,235 total reads

 309,235 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,120 total reads

 202,120 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top