Pagnilayan ang mga iboboto sa Midtern election, paalala ng Stella Maris sa mga OFW, seafarer at migrante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,423 total reads

Nanawagan si Stella Maris Philippines CBCP-Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), Filipino Migrants at Seafarers na pagnilayan ang mga ibobotong susunod na lider ng Pilipinas sa nalalapit na 2025 midterms election.

Ayon sa Obispo, nawa sa May 12 na araw ng botohan ay alalahanin ng bawat Pilipino ang 4Ps o ang Programa para sa trabaho, Pangangalaga sa buhay at inyong mahal sa buhay na naiwan, Paggalang sa inyo at sa inyong karapatang pantao at ang Pagpaparusa sa mga nanglilinlang, umaabuso at nagpahamak sa inyo.

Ayon pa kay Bishop Santos, sa panuntunan naman ng 4PS ay dapat alalahanin ng mga Pilipino na iboto ang mga kandidatong may matibay na mga programa tungo sa pagpapaunlad sa buhay ng mga manggagawa at OFW upang matiyak na patuloy ang pag-unlad ng sektor.

Ito ay ang pagpili sa mga kandidatong magbibigay proteksyon sa kapakanan o karapatan ng bawat Pilipino kasunod ng pagpili sa mga mayroong respeto at tunay na pakikiisa sa sa mga sa mga OFW at Filipino Migrants, at ang huli ay ang pagpili sa mga lider na gagamitin ang batas upang makamit ang tunay na katarungan at mailayo ang mga Pilipino sa anumang uri ng kapahamakan

“Our vote shapes our future. It is similar to planting seeds that will yield the harvest we hope for. The leaders we elect will have an undeniable impact on our lives. For the sake of a bright, peaceful, and prosperous future, let us reflect and pray earnestly before making our choices,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Kasunod ito ng paalala ni Bishop Santo sa pagpapahalaga sa Karapatan, Katungkulan at Kinabukasan ng bawat Pilipino sa halalan.

Ito ay dahil bilang Pilipino, karapatan ng bawat isa na bumoto na naayon sa kanilang marangal na pagpili ng hindi nakakaranas ng anumang paniniil, kasunod ito ng katungkulan ng bawat Pilipino na bumoto gamit ang isip at puso dahil ito ay isang napalakaking responsibilidad na magpapanitili o makakapagpabago sa kinabukasan ng sambayanan at ikatlo ay dahil nakasalalay ang kinabukasan ng bawat Pilipino sa mga ihahalal sa Midterm Elections

“Those we elect must be individuals of integrity and goodwill, prioritizing the welfare of others above personal or familial interests. They must dedicate their time and energy to promoting the common good, ensuring your repatriation when needed, providing equal employment opportunities, and not promoting our nation as a country that is reputable for manpower export,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaparating din ni Bishop Santos ang pasasalamat sa mga OFW, Filipino Migrants at Seafarers na patuloy na nagsasakripisyo upang masuportahan ang kanilang pamilya o mahal sa buhay na naiiwan sa Pilipinas na tinutulungan din ang ekonomiya ng Pilipinas na umunlad sa pamamagitan ng kanilang remittance rate.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority, umaabot sa 2.16-million ang bilang ng mga OFW sa ibayong dagat, habang noong 2024 umabot sa 38.3-Billion US Dollar na katumbas ng 2.2-Trillion Pesos ang kabuoang Remittance Rate ng mga OFW.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 98,232 total reads

 98,232 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 192,260 total reads

 192,260 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 236,530 total reads

 236,530 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 259,637 total reads

 259,637 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 330,287 total reads

 330,287 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 31,830 total reads

 31,830 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top