Terorismo walang maidudulot na mabuti-Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,725 total reads

Iginiit ng Santo Papa Francisco na walang maidudulot na mabuti sa lipunan ang terorismo.

Ayon sa santo papa lalong magpalala sa hidwaan ang anumang uri ng karahasan tulad ng nangyaring kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestina sa Gaza strip.

“Terrorism and extremism do not help reach a solution to the conflict between Israelis and Palestinians, but fuel hatred, violence, revenge, and only cause each to other suffer.” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Apela ng punong pastol ng simbahan sa militanteng grupong Hamas na palayain ang mga dinukot na inosenteng indibidwal.

Nabahala si Pope Francis sa kalagayan ng 150 kataong hostage ng Hamas sa Gaza mula nang sumiklab ang kaguluhan sa lugar noong October 7.

Sa kasalukuyang datos nasa 1, 100 ang nasawi sa Gaza nang gumanti ang Israel sa pang-atake ng Hamas habang iniulat ng Israel ang 1, 200 nasawing mamamayan.

Ayon naman kay Israel Defense Force spokesperson Lt. Col. Jonathan Conricus mahigit 300, 000 reservist ang nakahimpil sa southern border ng bansa kabilang na rito ang 50 mga Pilipinong kasapi ng IDF.
Iginiit ni Pope Francis na bukod tanging dayalogo ang daan upang makamtan ang pagkakasundo ng pamayanan.

“The Middle East does not need war, but peace, a peace built on dialogue and the courage of fraternity.” ani Pope Francis.

Tiniyak din ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga panalangin para sa kaayusan ng Israel at Palestina gayundin sa 30, 000 Overseas Filipino Workers sa lugar.

Sinabi naman ng embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na 23 sa 29 na nawawalang Pilipino ang na-rescue at kasalukuyang nasa kanilang pangangalaga.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 15,017 total reads

 15,017 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 73,576 total reads

 73,576 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,943 total reads

 158,943 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,679 total reads

 205,679 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 253,550 total reads

 253,550 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,921 total reads

 353,921 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top