SLP, nanawagan ng sama-samang pananalangin sa kapayapaan sa Holy land

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,326 total views

Nananawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa mga mananampalataya na magkaisa sa pananalangin para sa kapayapaan sa Holy Land.

Partikular na nananawagan ang implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na pinangangasiwaan ng chairman na si Tarlac Bishop Enrique Macaraeg sa mga Diocesan Councils of the Laity, National Lay Organizations at mga layko na magkaisa sa pananalangin para sa kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayang naiipit sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestina sa Gaza strip.

“We, the Sangguniang Laiko ng Pilipinas, appeal to our brothers and sisters in the Diocesan Councils of the Laity, Ecclesiastical Communities, National Lay Organizations and all Catholic lay people, to join us in praying for Peace in the Holy Land. The attack on the people in that land is shocking and surprising, and we need to pray harder now for an end to the conflict, and a pathway to peace.” Ang bahagi ng panawagan ng SLP.

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magkaisa ang lahat na tumugon sa panawagan ng Santo Papa Francisco na pananalangin sa paggabay ng Panginoon lalo’t higit sa mga bansang may nagaganap na sagupaan.

“We also join all believers as we “pray with one heart and one soul with Pope Francis.” We know that our prayers will be answered, and peace will reign.” bigay diin ng SLP.

Unang umapela si Pope Francis sa militanteng grupong Hamas na palayain ang mga dinukot na inosenteng indibidwal kung saan may tinatayang 150-hostage ang militanteng grupo sa Gaza mula ng sumiklab ang kaguluhan sa lugar noong ika-7 ng Oktubre, 2023.

Sa tala ng embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv ligtas na at nasa pangangalaga na ng embahada ang 23 sa 29 na nawawalang Pilipino sa lugar.

Tiniyak din ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pananalangin para sa kaayusan at kapayapaan ng Israel at Palestina gayundin para sa kaligtasan ng mga mamamayan kabilang na ang aabot sa 30,000 Overseas Filipino Workers sa lugar.

Read: https://www.veritasph.net/pagkakasundo-ng-israel-at-hamas-ipinagdarasal-ng-cbcp/

Naunang nanawagan ang Filipino Catholics in Israel sa mga Filipino na ipagdasal ang kanilang kaligtasan sa Israel.

Read: https://www.veritasph.net/filipino-catholics-sa-israel-humiling-ng-panalangin/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 29,410 total views

 29,410 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 35,539 total views

 35,539 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 65,681 total views

 65,681 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 85,793 total views

 85,793 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 105,757 total views

 105,757 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 6,871 total views

 6,871 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 6,811 total views

 6,811 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top