Filipino Catholics sa Israel, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

 4,459 total views

Humiling ng panalangin ang Filipino Catholics sa Israel para sa kaligtasan ng mamamayan sa patuloy na karahasan laban sa militanteng grupong Hamas.

Sa panayam ng Radio Veritas, binigyang diin ng grupo ang kahalagahan ng panalangin lalo na ngayong lubhang mapanganib ang kalagayan ng mamamayan ng Israel at Gaza strip.

“Unang una po ay humihingi kami ng dasal, talagang kailangan po namin ng prayer warriors sa panahong ito. Ipanalangin natin na walang inosente, walang mga bata, walang mga sibilyan na madamay pa.” bahagi ng pahayag ng grupo.

Inilarawan ng grupo ang kalunos-lunos na sitwasyon sa lugar lalo’t idineklara ng pamahaaan ng Israel ang digmaan sa pagitan ng militanteng Hamas kasunod ng pang-atake nitong October 7 dahilan ng pagkasawi sa 900 na indibidwal habang libu-libo naman ang nasugatan.

Pinayuhan ng grupo ang kapwa Pilipino na nasa Israel at karatig na mga lugar na maging alerto at manatili sa kanilang mga tahanan upang makaiwas sa kapahamakan dahil mayroong mga Iron Dome System ang Israel na makatutulong masalag ang anumang bomba na pinakakawalan ng militanteng grupo.

Tuloy-tuloy din ang pagdiriwang ng mga Banal na Misa sa mga kombento sa Israel para sa natatanging intensyon na matigil na ang karahasan gayundin ang kaliwanagan ng isip ng mga lider tungo sa pagkakasundo.

“Dito sa Holy Land, lahat ng kumbento ay binigyan ng mandato na mag misa at magdasal; sana talaga yung mga leader ng kanya kanyang mga bansa ay mabigyan na ng kaliwanagan na itigil na nila itong gyera upang wala nang mamatay pa at madamay pa.” saad pa ng Filipino Catholics sa Israel.

Hiling din ng grupo na ipanalangin ang 39 na Pilipinong kabilang sa Israel Defense Force reserve na lantad sa labis na panganib dahil sa pagharap sa digmaan sa Gaza strip.

Kabilang na rito sina:
1. Grant Najera
2. Francis Ford Agsalon,
3. Patrick Pineda,
4. Edlyn Aquino,
5. Jessie Gomez,
6. Gidon Agsaoay,
7. Vince Española,
8. Daniel Malabanan
9. Daniel Unkham
10. Gian Cruzat
11. Kylie Baoson
12. David Sarmiento
13. Amor Aldave
14. Sean Cayanan
15. Nadia Abunal
16. Ethan
17. Reshef Bigal
18. Rabbi Cruz
19. Darelle Tabucol
20. John Shaabi
21. Michelle Ilora
22. Yael Yumol
23. Yael Pramis
24. Joshua Tuazon
25. Joshua Laxamana
26. Danlee Saldua
27. Gai Tuazon
28. Lovy Aristorenas
29. Lilach Galle
30. Kate Rose Cunanan
31. Mary Kate Villaluz
32. Lovedeep Gamo
33. Diana Lee Camorongan
34. Dave Tabbuac
35. Adam Hortillosa
36. Ely Gamliel
37. Jarsen Jon Coronado
38. Joshua Semeon
39. Ricky Tagudinay

Sa tulong ng panalangin at pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria ay maging ligtas sa anumang kapahamakan at tunay na mamayani ang katarungan at kapayapaan sa sanlibutan.

Kumilos na rin ang pamahalaan ng Pilipinas para sa mahigit 30, 000 Pilipino sa Israel sa pangunguna ng Department of Migrant Workers kasama ang Department of Foreign Affairs at mga katuwang na ahensya sa posibilidad na paglikas ng mga Pilipinong migrante sa lugar.

Sa datos ng embahada ng Pilipinas sa Israel 29 na Pilipino ang nawawala, 22 ang na-rescue, isa rito ang nasa pagamutan, isa ang dinala sa isang hotel sa Tel Aviv, habang pito ang nanatiling unaccounted.

Paalala ng embahada sa mga Pilipino sa Israel na iwasan ang pagbiyahe, manatiling alerto at pakinggan ang siren alert para tumungo sa shelter at manatiling nakaantabay sa mga abiso na ilalabas ng embahada gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga grupo ng mga Pilipino sa nasabing bansa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 4,287 total views

 4,287 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »

Mga Hamon sa Kabataan

 12,653 total views

 12,653 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »

Inequality sa ating Bayan

 18,530 total views

 18,530 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »

Mga Katutubo

 22,302 total views

 22,302 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 28,263 total views

 28,263 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 323 total views

 323 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Virac, sisikaping maging daluyan ng biyaya ng panginoon

 906 total views

 906 total views Tiniyak ng bagong obispo ng Diocese of Virac na gagampanin ang panibagong misyong kakaraharapin sa pagpapastol sa humigit kumulang 300-libong kawan sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon kay Bishop Luisito Occiano hango sa kanyang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ sisikapin nitong itaguyod at palaguin ang pananampalataya ng nasasakupang kawan at ipadama ang habag

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kaparian, pinaalalahanan sa paggamit ng kapangyarihan

 3,026 total views

 3,026 total views Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga pari lalo na ang mission directors na maging maingat sa paggamit ng kapangyarihang kaakibat sa pagtalagang tagapangasiwa sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga. Ito ang mensahe ni CBCP Episcopal Commission on Mission Chairperson, Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa pagbukas ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Opisyal ng CBCP, nagpaabot ng dasal sa mga ama ng tahanan

 5,453 total views

 5,453 total views Hiniling ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on Stewardship ang panalangin para sa mga haligi ng tahanan sa pagdiriwang ng Father’s Day sa June 16. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang chairman ng tanggapan, malaki ang tungkulin ng mga ama sa pagpapanatiling matatag at pagtataguyod ng bawat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pangangailangan ng mga kabataan sa St. Anthony parish, tinugunan ng Radio Veritas at Caritas Manila

 6,185 total views

 6,185 total views Magkatuwang ang Radio Veritas at Caritas Manila sa pamamahagi ng tulong sa mga kabataan at iba pang benepisyaryo sa St. Anthony Parish sa Singalong Manila sa pagdiriwang ng kapistahan ng santo. Ayon kay Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen ito ang hakbang ng simbahan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan bukod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Charismatic leaders sa Asia-Oceania, magtitipon sa Cebu

 7,655 total views

 7,655 total views Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na makatutulong ang charismatic groups sa pagpapalago ng pananampalataya ng mamamayan sa tulong at gabay ng Espiritu Santo. Ito ang mensahe ng arsobispo sa paghahanda ng Archdiocese of Cebu sa kauna-unahang National Charismatic Leaders Conference sa July 27 at 28 sa IEC Convention Center sa Cebu City.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Vow of Obedience, obligasyon ng isang Pari na sundin

 9,370 total views

 9,370 total views Umapela ang Archdiocese of Manila kay Fr. Alfonso Valeza na sundin ang kautusan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula makaraang alisin bilang parish administrator ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo para tupdin ang mga programang inilalaan sa kanya. Ayon kay Archdiocese of Manila Vicar General at Moderator Curiae Fr. Reginald Malicdem, dapat

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pagiging ecclesiastical superior ni Fr. Napiere ng Tuvalu, ikinagalak ng Obispo ng Tagbilaran

 12,973 total views

 12,973 total views Ikinatuwa ng Diocese of Tagbilaran ang pagkatalaga kay Fr. Eliseo Napiere ng Mission Society of the Philippines bilang ecclesiastical superior ng Missio Sui Iuris (independent mission) ng Funafuti sa Tuvalu na bahagi ng Pacific Island. Tiwala si Bishop Alberto Uy na magagampanan ni Fr. Napiere ang panibagong misyon na iniatang ng simbahan na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Socom ministers, hinamong gamitin sa ebanghelisasyon ang makabagong teknolohiya

 10,566 total views

 10,566 total views Hinimok ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communication ang mamamayan na gamitin ang mga kasanayan at makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos. Ito ang hamon ni AOC Director at Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen sa kasapi ng social communications ministry ng mga parokya lalo na sa

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Nabagsakan ng century old acacia tree sa Taytay, tutulungan ng Diocese of Antipolo

 16,698 total views

 16,698 total views Tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang tulong sa may-ari ng mga sasakyang napinsala nang mabuwal ang malaking punong acacia sa harapan ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay Rizal. Ayon sa obispo hindi maiiwasan ang mga insidente lalo na tuwing may bagyo kaya’t humingi rin ito ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archbishop Villegas sa mamamayan, isang karangalan ang manindigan laban sa divorce

 14,450 total views

 14,450 total views Hinikayat ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mamamayan na tiyakin ang mabuting pagpapasya at pagninilay bago makipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng sakramento ng pag-iisang dibdib o kasal. Ito ang bahagi ng pastoral exhortation ng arsobispo kasunod ng kuwestiyunableng pagpasa ng panukalang diborsyo sa mababang kapulungan. Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na mahalagang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Canonization ni Blessed Carlos Acutis, magdudulot ng pag-asa sa mga mananampalataya

 15,158 total views

 15,158 total views Ikinalugod ng grupo ng mga deboto ni Blessed Carlo Acutis sa Pilipinas ang pag-apruba ng Vatican sa kanyang canonization. Ayon kay Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines, Chairperson, Christoffer Denzell Aquino, SHMI, napapanahon ang pagkilala ng simbahan sa batang banal lalo’t patuloy ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya na ginagamit ng kasalukuyang henerasyon. Sinabi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Selebrasyon ng BEC Sunday, pangungunahan ng CBCP- ECBE

 17,158 total views

 17,158 total views Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Basic Ecclesial Community na mas pinagtitibay ang munting pamayanan sa bansa para sa higit na pagmimisyon ng simbahan. Ayon kay CBCP-BEC Chairperson, Iligan Bishop Jose Rapadas III kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa iisang Diyos itinalaga ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakapasa ng divorce bill sa Kamara, isang hamon sa simbahan-Cardinal Advincula

 17,313 total views

 17,313 total views Iginiit ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi hadlang sa kristiyanong pamayanan ang pagkakapasa ng panukalang diborsyo upang manindigan sa kasagraduhan ng sakramento ng pag-iisang dibdib. Ito ang tugon ng cardinal makaraang pumasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act nitong May 22. Binigyang diin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Senado, hinimok ng mga Obispo na patatagin ang pamilyang Pilipino

 17,915 total views

 17,915 total views Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging bukas ang isipan ng mga mambabatas sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairperson ng CBCP Commission on Social Action Justice and Peace makaraang pumasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 9349

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top