EmpowerProject, inilunsad ng CRS Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,906 total reads

Inilunsad ng Catholic Relief Services – Philippines (CRS-Philippines) ang #EmpowerProject na pakikipagtulungan sa ibat-ibang ahensya ng simbahan upang mapalawak ang tulong sa mga pinaka-nangangailangan.

Nakipagtulungan ang CRS sa Caritas Philippines upang masuportahan ang mga Diyosesis at nangangailangang mamamayan ng San Carlos, Bacolod, Kabankalan, Dumaguete, Negros, Tagbilaran, Talibon, Maasin at Cebu.

Sa bisa ng inisiyatibo ay pinapatibay ng dalawang ahensya ang pagkakaroon ng mga workshop kung saan napapatibay ang mga organization structures, disaster at emergency response ng mga diyosesis tuwing makakaranas ng anumang sakuna sa hinaharap.

“These workshops encompass critical aspects of humanitarian aid, such as emergency office setup, procurement and financial management, and implementing Cash and Voucher assistance programs,” ayon sa mensahe ng CRS-Philippines.

Bahagi rin ng inisyatibo ang pagpapalalim sa kaalaman ng mga kabilang na diyosesis sa pamamahagi ng financial aid at cash vouchers sa mga masasalanta ng kalamidad sa hinaharap.

Tiniyak rin ng CRS-Philippines na bukod sa Pilipinas, ay isinasagawa narin ang mga #EmpowerProject sa Indonesia, Vietnam, Nepal, Myanmar at India.

Sa tala ng Caritas Philippines, sa matibay na pakikipag-ugnayan sa 60-diyosesis sa Pilipinas ay umaabot sa 500 hanggang 2,500-indibidwal kada diyosesis ang mga nagiging benepisyarsyo ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ilan sa mga inisyatibo upang itaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap ay ang pagpapakain ng sapat na nutrisyon sa mga batang limang taong gulang pababa upang mapigilan ang ‘stunting’ o hindi maayos na paglaki ng dahil sa malnutrisyon.

Kabilang din sa mga ito ang paglulunsad ng mga livelihood projects sa ibat-ibang komunidad upang magkaroon ng sariling kabuhayan ang mga benepisyaryong pamilya at hindi sa pamamagitan ng dole-out o one-time-big-time financial aid.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 6,974 total reads

 6,974 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 92,388 total reads

 92,388 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 186,723 total reads

 186,723 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 248,409 total reads

 248,409 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 293,965 total reads

 293,965 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top