Nakiiisa ang Ecumenical Institute for Labor Education and Reasearch (EILER) sa mga panawagan ng katarungan at katotohanan sa pinaslang na labor leader ng Kilusang Mayo Uno (KMU) Region 4A na si Jude Thaddeus Fernandez.
Apela ni Rochelle Porras – Executive Director ng EILER kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang pakikiisa ng Pilipinas sa pagpapatupad sa mga umiiral polisiyang isinusulong ng International Labour Organization High Level Tripartite at International Convention on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR).
Layon nitong bigyan ng proteksyon at pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa na naghahangad ng tamang pasahod at benepisyo.
“Even after the ILO-HTLM and the drafting of the Philippine Labor Employment Plan, there are still no concrete responses to the legitimate demands of the workers on living wages, on the banning of contractualization, on promotion of health and safety in workplaces, and on guaranteeing workers’ fundamental freedoms. The slow and inefficient government response has resulted in increased debts and massive joblessness.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Porras sa Radio Veritas.
Iginiit ng EILER sa pamahalaan ang pagpapatupad ng Family Living Minimum Wage na 1,170 pesos kada araw.
Sa talaan ng Global Rights Index, muling napasama ang Pilipinas sa ikalimang kasunod na taon sa ‘Top 10 Most Dangerous Countries for Labor Union and members.
Si Fernandez ang ika pitumput-dalawa sa mga napaslang na labor leaders at members simula pa noong 2016.
Unang nanawagan ang Church People Workers Solidarity upang makamit ng Labor leader at pamilyang naiwan ang katarungan.