PAHIRAP SA MGA PILIPINO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 293,244 total reads

Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin?

Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan ng Hunyo 2026. Ang hindi nararanasan., nararamdaman ng pamahalaan ng mga opisyal ng gobyerno na pigang-piga na ang mga Pilipino sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing produkto. Ang kalbaryo ng mga Pilipino ay dinagdagan pa ng hindi permanenting trabaho at kita, lalo pang pinalala ng hindi mapigilang pagtaas sa halaga ng mga produktong petrolyo.

Sa kasalukuyan, napaka-bigat na pasanin., napakabigat sa bulsa ang mataas na presyo ng bigas kada kilo., mataas na halaga ng LPG at napakalaking bayarin sa kuryente.

Noong 2025, ang presyo ng regular na milled rice ay 42-pesos kada kilo., ngayong 2026, pumalo na ito sa 50-pesos o higit bawat kilo. Ang galunggong, mula sa halagang 212-pesos kada kilo., naging 312-pesos na kada kilo. Sa gulay, halos 20 hanggang 30-pesos ang itinaas ng halaga. Ang 11-kilogram na LPG na dating 830-pesos, nagkakahalaga na ng 1,100 hanggang 1,600-pesos. Ang singil sa kuryente na 12.16-pesos kada kilowatt-hour ay naging 14.48-pesos na kada-kilowatt-hour, hindi pa kabilang dito ang other charges o maraming charges na ipinapataw ng MERALCO sa mga consumer.

Ang sahod ng mga Pilipino, hindi sapat sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Tinataya ng Philippine Institute of Development Studies (PIDS) na tataas sa 14.4-percent ang poverty rate sa Pilipinas ngayong 2026. Ibig sabihin, 1.3-milyong Pilipino ang madadagdag sa 1.8-milyong Pilipino na hindi nakakaahon sa kahirapan.

Ang nakakadismaya, hindi pinapansin ng pamahalaan ang katotohanan, hindi natitinag ang mga opisyal ng gobyerno sa nakabalandrang datos ng kahirapan sa bansa.

Mas ikinatuwa pa ng administrasyong Marcos ang deklarasyon ng World Bank na ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country matapos ang apat na dekada ng pagiging lower-income economy.

Sino ba naman ang hindi matutuwa, lumagpas ang Pilipinas WB income threshold kung ang Gross National Income ay umabot ng 4,850-dolyar, mataas sa 4,636 na cutoff ng WB para sa upper-middle income economy.

Kapanalig, bakit hindi natin nararamdaman ang pagganda ng buhay ng mga Pilipino? Ang ipinagmamalaking paglago ng ekonommiya?

Kapanalig, ang sabi ng NEDA…ang pag-unlad ay hindi nasusukat sa average na income lamang, nasusukat daw ito kung ang paglago ay lumilikha ng trabaho, tumaas ang productivity, lumawak ang oportunidad, nabawasan ang kahirapan, at gumanda ang buhay ng maraming Pilipino.

Kung umunlad, nasaan ang datos?

Kapanalig, sinasabi sa encyclical na Populorum Progressio ni Pope Paul VI., “The whole person and every person. Before we can ever hope to detect social progress on a national or even global level, development must first engage each person in the work of self-fulfillment.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 103,881 total reads

 103,881 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 180,543 total reads

 180,543 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 213,991 total reads

 213,991 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 249,291 total reads

 249,291 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 471,787 total reads

 471,787 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 103,882 total reads

 103,882 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 180,544 total reads

 180,544 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 213,992 total reads

 213,992 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 249,292 total reads

 249,292 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top