Bishop Santos, kinilala at nagpapasalamat sa OFWs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,243 total reads

Kinilala at nagpapasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga Overseas Filipino Workers sa malaking ambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ipinaabot ni Bishop Santos ang papuri at pasasalamat sa pagkilala ng Department of Economy, Planning and Development o DEPDEV sa malaking ambag ng OFW remittances na pangunahing dahilan upang makamit ng Pilipinas ang World Bank threshold na ‘Upper-Middle-Income-Class-Country’.

Ayon kay Bishop Santos, nararapat pasalamatan ang Diyos sa biyaya at sakripisyo ng mga OFW na tiniis na magtrabaho sa ibayong dagat dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansa at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.

Ipinagdarasal nang Obispo na mananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga pandaigdigang hamon at krisis.

“Makikita natin na kung saan ay umaangat ang ating ekonomiya at ay naging matatag at matibay sa kabila ng kahirapan at kagipitan na nagaganap dito sa buong mundo. Narito pa rin tayo na kung saan ay nakakaraos sa awa ng Diyos at dahil rin sa ating mga bagong bayani, ang OFW, na sa kanilang remittance ay malaking tulong sa lahat,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Bunsod nito, umaasa si Bishop Santos na paglingkuran ang mga OFW sa pamamagitan ng pangangalaga sa kanilang kapakanan, karapatan at pamilyang naiwan sa bansa.

“Higit sa lahat, dapat natin silang paglingkuran. Ang paglingkuran na dapat nating ibigay sa lahat ay kinakailangan natin ang pagpapakasakit at sila’y tulungan, higit sa lahat ang mga naiwan dito sa ating bayan, sa ating bansa, at ang kanilang karapatan. Ang kanilang pangangailangan sa ibang bansa ay ating tugunan. Hindi natin sila pababayaan. Sila rin ay ating iingatan at aalagaan,”
ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Sa pag-aaral ng World Bank, umabot sa $4,850 ang gross national income (GNI) per capita ng bansa noong 2025, na lumampas sa itinakdang $4,636 na threshold para sa naturang kategorya sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 25,381 total reads

 25,381 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 110,704 total reads

 110,704 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 148,077 total reads

 148,077 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 179,336 total reads

 179,336 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 251,067 total reads

 251,067 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top