Pilipinas, naninindigan sa Arbitral Tribunal ruling sa EEZ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,809 total reads

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagdiwang ang ika-10 anibersaryo ng Arbitral Tribunal ruling na kumikilala sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Affairs na malinaw na pinagtibay ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong July 12, 2016 na walang legal na batayan sa international law ang nine-dash line ng China at kinilala ang karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone (EEZ) nito.

Sinabi ni Trinidad na ipinapakita rin ng arbitral ruling na pantay-pantay ang lahat ng mga bansa, malaki man o maliit, sa ilalim ng batas.

“Ang nine-dash line ay walang basihan sa international law. Yung ating pinaglalaban, tayo ang may karapatan sa ating EEZ at nagpapakita ito that all nations, big or small, are equal in the eyes of the law. Kaya importante ipagdiwang natin ito. When it comes to Southeast Asia and it comes to the international community, yung mga European power, yung mga American power. Bakit? Mas intertwined, ika nga, mas may economic na connection, socio-cultural connection, and other dynamics ang ASEAN countries,” panayam ng programang Veritas Pilipinas kay Trinidad.

Iginiit ng opisyal na nananatiling nakatuon ang AFP sa pagtupad sa mandato nitong pangalagaan ang teritoryo ng bansa alinsunod sa saligang batas, sa halip na makialam sa mga usaping may kaugnayan sa polisiya ng pamahalaan.

Hinihikayat naman ni Trinidad ang mga Local Government Unit, religious organizations, at iba pang civil society groups na maglabas ng mga pahayag ng suporta at gawing buong taon ang paggunita sa July 12 bilang bahagi ng pagsusulong ng kamalayan laban sa maling naratibo ng China sa West Philippine Sea.

Ibinahagi din ni Trinidad na patuloy na pinapalakas ng AFP ang modernization program upang higit na mapatibay ang kakayahan sa pagpapatrolya sa karagatan at himpapawid, gayundin ang maritime domain awareness sa pamamagitan ng mas makabagong radar at iba pang kagamitan.

Kaugnay nito, patuloy namang hinihikayat ng Simbahang Katolika ang pagsusulong ng kapayapaan, katarungan, at paggalang sa pandaigdigang batas sa paglutas ng mga sigalot na nakabatay sa katotohanan, katarungan, at paggalang sa dignidad ng bawat bansa at mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 74,303 total reads

 74,303 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 214,068 total reads

 214,068 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 329,844 total reads

 329,844 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 447,618 total reads

 447,618 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 93,796 total reads

 93,796 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top