Paghingi ng tulong sa mental health, hindi kakulangan sa pananampalataya—CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,176 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na wakasan ang stigma sa usapin ng mental health, kasabay ng paglilinaw na ang paghingi ng medikal o sikolohikal na tulong ay hindi kakulangan sa pananampalataya.

Ito ang binigyang-diin ng mga obispo sa liham-pastoral na “Come to Me, All You Who Labor and Are Burdened: A Pastoral Letter on Mental Health, Compassion, and Hope,” na inilabas sa pangunguna ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera.

Kinilala ng CBCP na dumarami ang mga Pilipinong dumaranas ng anxiety, depression, addiction, kalungkutan, matinding pagdadalamhati, at iba pang suliraning pangkaisipan dulot ng iba’t ibang hamon sa buhay.

“Many among us carry unseen burdens… Many suffer in silence, afraid of being judged, misunderstood, or rejected. There are those who begin to believe their lives no longer matter,” ayon sa pastoral letter.

Binigyang-diin ng mga obispo na ang mental illness ay hindi dapat ituring na kaparusahan ng Diyos o bunga ng mahinang pananampalataya, sapagkat ang bawat tao ay nilikha ayon sa larawan at wangis ng Diyos at taglay ang dignidad na hindi maaaring alisin ng anumang karamdaman.

“Like any illness, it deserves understanding, appropriate care, and compassionate accompaniment,” pahayag ng CBCP.

Tinukoy rin ng CBCP ang mga salik na nagpapalala sa krisis sa mental health, kabilang ang kahirapan, kawalan ng hanapbuhay, kawalang-katarungan, pagkasira ng pamilya, mga kalamidad, migrasyon, online gambling, at iba pang uri ng pagkalulong.

Nagbabala rin ang mga obispo na bagama’t nagbubukas ng maraming oportunidad ang teknolohiya at artificial intelligence (AI), maaari rin itong magdulot ng anxiety, kalungkutan, nakasasamang paghahambing sa sarili sa iba, cyberbullying, at pagkalulong kapag hindi nagagamit nang responsable.

Hinikayat naman ng CBCP ang mga nakararanas ng mental health challenges na huwag matakot humingi ng tulong sa mga propesyonal.

“Seeking medical or psychological help is not a lack of faith. God’s healing often comes through the dedicated service of doctors, psychologists, counselors, and other caregivers,” ayon sa mga obispo.

Naglaan din ng mensahe ang CBCP sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa suicide sa pamamagitan ng pagtiyak sa walang hanggang awa ng Diyos at panawagang samahan sila nang may habag, pag-unawa, at pag-asa.

Hinikayat din ng CBCP ang mga parokya, pamilya, Basic Ecclesial Communities (BECs), mga paaralan, at iba pang institusyong Katoliko na maging ligtas na lugar para sa mga humihingi ng tulong, magtatag ng counseling ministries, at makipagtulungan sa mga mental health professionals at mga ahensya ng pamahalaan upang mabawasan ang stigma at higit na masuportahan ang mga nangangailangan.

“Above all, let us become communities where no one is ashamed to seek help, no one is judged for struggling, and no is left to carry life’s burdens alone,” ayon sa CBCP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 10,204 total reads

 10,204 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 49,713 total reads

 49,713 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 85,013 total reads

 85,013 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 311,282 total reads

 311,282 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 204,044 total reads

 204,044 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 152,363 total reads

 152,363 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top