Matatag na pananampalataya ng mga Katoliko sa Marawi, pinuri ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,837 total views

Pinuri ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang matibay na pananampalataya ng mga Katoliko sa Marawi City matapos ang kanyang pagbisita sa mga guho ng St. Mary’s Cathedral na lubhang napinsala sa Marawi Siege noong 2017.

Kasama nina Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Marawi Bishop Edwin dela Peña, binisita ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas ang lungsod noong July 10, kasunod ng pagtatapos ng ika-132 plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Ozamiz City.

Ikinalugod ni Archbishop Brown na makita ang matatag na pananampalataya ng maliit na komunidad ng mga Kristiyanong nananatili sa Marawi sa kabila ng matinding pagsubok na pinagdaanan.

“It was beautiful to see the perseverance, love, and humility of the Catholics in Marawi,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Ayon sa nuncio, lubhang nakaaantig ang kanilang sama-samang pananalangin sa loob ng wasak na St. Mary’s Cathedral, kung saan tanging mga pader na lamang ang nakatayo matapos itong mapinsala sa limang-buwang digmaan sa lugar.

“We visited the remains of the old cathedral, which was destroyed during the 2017 military conflict. We went into the cathedral, which has no roof—only the walls are left. Everything was destroyed,” dagdag ng nuncio.

Aniya, lalo pang naging makahulugan ang pagdalaw ng awitin ng lokal na pamayanan, ang awiting Be Not Afraid, na sumasalamin sa matibay na pag-asa ng mga Kristiyanong nananatiling tapat sa kanilang pananampalataya.

“We all prayed there in the ruins of the cathedral. It was quite moving… They sang ‘Be Not Afraid.’ It was a beautiful witness to the perseverance of the Christians there, who have suffered a great deal over these years,” giit ni Archbishop Brown.

Kinilala rin ni Archbishop Brown ang mabigat na kalagayang patuloy na hinaharap ng mga Kristiyano sa Marawi, kung saan marami ang nasawi at napilitang lumikas dahil sa armadong tunggalian.
Sinabi rin ng nuncio na bagama’t nananatiling hamon ang muling pagbangon ng komunidad, naniniwala itong posible ang mapayapang pamumuhay ng mga Kristiyano at Muslim kung mananaig ang paggalang at pagkakaisa.

“Christians and Muslims absolutely can live in peace and harmony if they want to,” aniya.

Nagbabala rin si Archbishop Brown laban sa mga taong gumagamit ng hidwaan sa relihiyon para sa pansariling kapakinabangan.

Binigyang-diin ng kinatawan ng Santo Papa na ang kanyang pagbisita sa Marawi ay nagpatibay sa kanyang paniniwalang nananatiling buhay ang pag-asa sa kabila ng pagkawasak, dahil sa katatagan, pagmamahal, at kababaang-loob na ipinamalas ng mga mananampalataya.

Patuloy na umaapela ang simbahan sa Pilipinas na suportahan ang mga hakbang sa muling pagtatayo ng prelatura, lalo na sa kasalukuyang pro-cathedral sa Balo-i, Lanao del Norte.

Kasalukuyang umiikot sa mga arkidiyosesis sa bansa ang patrona ng Marawi, ang Mary Help of Christians, sa isinasagawang Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi kung saan katuwang ng prelatura ang Aid to the Church in Need Philippines na layong makalikom ng pondo para sa proyekto.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 7,533 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 24,109 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 50,544 total views

 50,544 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 122,403 total views

 122,403 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 153,685 total views

 153,685 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 185,701 total views

 185,701 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 335,282 total views

 335,282 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top