Remain in full communion with the Church, paalala ng CBCP sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 271 total views

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na manatiling tapat sa katuruan ng Simbahan at umiwas sa paglahok sa mga pilgrimage sa Naju, South Korea, kasunod ng negatibong pasya ng Simbahan hinggil sa aparisyon ng Mahal na Birheng Maria sa naturang lugar.

Sa inilabas na Pastoral Guidance ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera nitong July 13, binigyang-diin nito na kinikilala nila ang pasya ng Archdiocese of Gwangju, alinsunod sa gabay ng Dicastery for the Doctrine of the Faith.

“The Archdiocese of Gwangju in South Korea, in communion with the Dicastery for the Doctrine of the Faith, has issued a negative judgment that the alleged events in Naju are not approved as supernatural.”

Paalala pa ng CBCP na hindi obligadong paniwalaan ng mga mananampalataya ang mga pribadong aparisyon, lalo na kung ang mga ito ay hindi kinilala ng lehitimong awtoridad ng Simbahan.

“In discerning private revelations, the faithful are not obliged to accept them, especially when a competent ecclesiastical authority has issued a negative judgment,” ayon pa sa pastoral guidance ng CBCP.

Hinikayat din ng mga obispo ang mga mananampalataya na manatiling kaisa ng Simbahan at sundin ang mga itinakdang turo nito.

“Remain in Full Communion with the Church. Fidelity to Christ entails religious submission to the authentic Magisterium as taught by the Pope and the bishops,” dagdag pa ng pahayag.

Binigyang-diin pa ng CBCP na ang tunay na debosyon ay nakaugat sa Banal na Misa, pagsamba sa Banal na Sakramento, panalangin, at pagkakawanggawa, at iginiit na dapat itong magdulot ng pagkakaisa at paglalalim ng pananampalataya ng mamamayan.

“Authentic spirituality produces humility, obedience, and unity within the Church. Any movement that fosters defiance or separation from the Church contradicts the Gospel.”

Hinimok ng CBCP ang mga nagnanais na magsagawa ng mga pilgrimage na iwasan ang Naju, alinsunod din sa paalala ng lokal na simbahan sa lugar.

“We address diocesan pilgrimage organizers, parish leaders, travel agencies, as well as Filipino pilgrims and devotees, urging them to refrain from organizing, promoting, or participating in pilgrimages to Naju,” ayon sa pahayag.

Sa halip, inanyayahan ng mga obispo ang mga mananampalataya na dumalaw sa mga kinikilalang Marian shrines sa Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo kung saan ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria ay isinasabuhay sa ganap na pakikipagkaisa sa Simbahan.

Hinikayat ng CBCP ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa buhay ng Simbahan.

“We urge everyone to remain steadfast in the life of the Church—nourished by the Eucharist, guided by Sacred Scripture, Tradition, and the Magisterium. Let us avoid confusion caused by unapproved phenomena and instead walk the path of obedience, humility, and unity within the Body of Christ.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 176,983 total views

 176,983 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 207,206 total views

 207,206 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 233,852 total views

 233,852 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 328,825 total views

 328,825 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 338,378 total views

 338,378 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top