House prosecution, handang magbawas ng testigo sa impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,340 total reads

Handa ang House prosecution na bawasan ang bilang ng mga testigong ihaharap sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung sapat na ang mga naunang testimonya upang mapabilis ang paglilitis.

Ayon kay Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. bagama’t nakalaan ang 11 trial days para sa pagtalakay sa Article IV na may kaugnayan sa grave threats, bukas silang gumawa ng mga kinakailangang pagbabago upang hindi na humaba pa ang proseso.

Ipinaliwanag ng mga prosecutor na matapos ang bawat pagdinig ay sinusuri nila ang naging testimonya ng bawat testigo upang matukoy kung alin sa mga nakalistang saksi ang maaari nang hindi ipatawag dahil naiprisinta na ang mahahalagang ebidensya at impormasyon.

“We were given 11 days to present witnesses. But we hear the sentiment of some of the senator judges that it would be better to re-read the proceedings. We also want this to end as soon as possible,” ayon kay Tolosa.

Dagdag pa ni Tolosa, “We don’t want this to last unnecessarily. But of course, without sacrificing our ability to properly, efficiently, and effectively present evidence.”

Iginiit ng prosecution panel na nakahanda silang gumawa ng mga kinakailangang pagbabago sa presentasyon ng mga testigo upang mapabilis ang impeachment proceedings, kasabay ng pagnanais na matapos ang paglilitis sa pinakamaagang pagkakataon nang hindi naaapektuhan ang integridad ng kaso.

Noong nakaraang Linggo, umabot nang dalawang araw ang pagtatanong at cross examination kay NBI Senior Agent Mark Calilong, habang ngayong araw ay isinalang naman sa witness stand si NBI Regional Director Atty. Jeremy Lotoc-ang pangunahing nag-imbestiga kaugnay sa grave threat ni Vice President Sara Duterte laban Kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., first-lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Una ng inihayag ng prosekusyon na aabot sa 92 araw ang impeachment trial o 30 linggo na posibleg umabot hanggang buwan ng Pebrero o Marso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 24,561 total reads

 24,561 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 109,937 total reads

 109,937 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 147,310 total reads

 147,310 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 178,569 total reads

 178,569 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 250,338 total reads

 250,338 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top