Pagbibitiw ng kalihim ng DOH, tinanggap ni PBBM, Medical Chief ng POC, ipinalit sa puwesto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,033 total reads

Nagbitiw na sa puwesto si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa matapos magsumite ng kanyang resignation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang bigyang-prayoridad ang kanyang rehabilitasyon kasunod ng isinagawang bilateral knee replacement surgery.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Herbosa na matagumpay ang kanyang operasyon noong July 7, ngunit kinakailangan niyang tapusin ang physical therapy upang tuluyang gumaling, dahilan upang hindi na niya magampanan ang araw-araw na tungkulin bilang kalihim ng kalusugan.

“Hindi pwedeng maapektuhan ng aking rehabilitation at therapy ang araw-araw na trabaho ng Department of Health. Dahil dito, nagdesisyon akong magpasa ng aking resignation letter kay President Bongbong Marcos, Jr.,” pahayag ni Herbosa.

Nagpasalamat din ang dating kalihim kay Pangulong Marcos sa pagkakataong makapaglingkod bilang ika-30 kalihim ng kagawaran at iginiit na marami pang kailangang gawin upang ganap na maisakatuparan ang mga reporma sa sektor ng kalusugan.

“Malinaw ang mandato ng Pangulo—gawing ramdam ang serbisyong publiko… marami pa ang kailangang gawin para lubos na makamit ang Bagong Pilipinas,” saad ni Herbosa.

Samantala, itinalaga ng Pangulo si Dr. Jose “Brix” Pujalte Jr. bilang bagong Health secretary.

Ayon sa Presidential Communications Office, mahigit tatlong dekada nang nagsisilbi si Pujalte sa larangan ng pampublikong kalusugan, hospital administration, at medical education matapos pumasok sa DOH noong 1991 at magsilbing Medical Center Chief II ng Philippine Orthopedic Center noong 2014.

Nagtapos si Pujalte ng Doctor of Medicine sa University of the Philippines College of Medicine at Master’s in Hospital Administration sa Ateneo Graduate School of Business, at nagsilbi ring pangulo ng Philippine Orthopedic Association at ASEAN Orthopaedic Association, bukod sa pagiging founding president ng Philippine Shoulder Society at founding member ng Philippine Spine Society.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 24,567 total reads

 24,567 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 109,943 total reads

 109,943 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 147,316 total reads

 147,316 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 178,575 total reads

 178,575 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 250,344 total reads

 250,344 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 78,039 total reads

 78,039 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top