Higit na pagpapahalaga sa kalikasan, isinusulong ng Laudate Deum ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,038 total reads

Iginiit ni Lipa Archdiocesan Ministry on Environment director, Franciscan Capuchin Fr. Mike Flores na nais ipabatid ng Santo Papa Francisco sa panibagong apostolic exhortation ang higit pang pagmamalasakit sa nag-iisang tahanan.

Tinukoy ni Fr. Flores ang Laudate Deum na sumusuporta sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Santo Papa upang paigtingin ang pagkilos at pangangalaga sa naghihingalong kalikasan.

Ayon sa pari, kaakibat ng pagpapahalaga sa mga likas na yaman ay ang tungkulin ng bawat isa bilang mabubuting katiwala na magtataguyod at pakakaingatan ang sangnilikhang handog ng Diyos sa sangkatauhan.

“Kaugnay ng ating appreciation for this beautiful world is our responsibility na pangalagaan at ingatan ito sa anumang mga threats na maaaring makasira ng magandang mundong ito. At mga kapatid, hindi ito magagampanan ng iilang tao lamang o iilang grupo, kailangan ay sama-sama tayong lahat.” pahayag ni Fr. Flores.

Ibinahagi ni Fr. Flores na lubhang nababahala ang Santo Papa sa mga nangyayaring pinsala sa kapaligiran kung saan hindi na ito maituturing na climate change lamang kundi climate crisis.

Tagubilin ng pari sa mga mananampalataya na sa pagtatapos ng Season of Creation nawa’y patuloy na ipakita ang pagmamalasakit sa inang kalikasan, at unawain at tupdin ang mga isinasaad na aral mula sa Laudato Si’ at Laudate Deum tungo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

“So ibig sabihin, wag nang magpatumpik-tumpik sapagkat ‘yung ating nalalabing panahon para mabigyan ng aksyon itong ating sitwasyon ay paiksi nang paiksi habang hinahayaan nating magpatuloy itong mga sumisira sa ating mundo.” saad ni Fr. Flores.

Oktubre 4, 2023 nang isapubliko ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Laudate Deum, kasabay ng paggunita sa patron ng sangnilikha na si San Francisco ng Asis, at pagtatapos sa pandaigdigang pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 30,377 total reads

 30,377 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 81,321 total reads

 81,321 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 129,192 total reads

 129,192 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 233,140 total reads

 233,140 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 317,723 total reads

 317,723 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,773 total reads

 165,773 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top