Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, OKTUBRE 26, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,341 total views

Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Roma 6, 19-23
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Lucas 12, 49-53

Thursday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Roma 6, 19-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, nagsasalita ako sa karaniwang paraan para madali ninyong maunawaan. Kung paanong ipinailalim ninyo ang inyong sarili sa karumihan at sa kasamaang palala nang palala, ngayon nama’y ihandog ninyo ang inyong sarili sa katuwiran sa ikapagiging-banal ninyo.

Noong alipin pa kayo ng kasalanan, hindi kayo saklaw ng katuwiran. Ngunit ano nga ang napala ninyo sa mga bagay na iyon na ikinahihiya ninyo ngayon? Ang kinauuwian ng mga ito ay kamatayan. Ngunit ngayong pinalaya na kayo mula sa kasalanan at mga alipin na ng Diyos, ang natamo ninyo’y kabanalan at ang kauuwia’y buhay na walang hanggan. Sapagkat kamatayan ang kabayaraan ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

ALELUYA
Filipos 3, 8-9

Aleluya! Aleluya!
Tana’y aking tatalikdan
upang si Kristo’y makamtan
bilang tanging pakinabang.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 49-53

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa – at sana’y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga’t hindi natutupad ito! Akala ba ninyo’y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang limang katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo.

Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki,
Ang ina at ang anak na babae,
At gayun din ang biyenang babae, at manugang na babae.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Maaaring dumating sa atin ang mga pagsubok at mga suliranin. Subalit bunga ng ating buong pagtitiwala sa kalooban ng Diyos Ama, patuloy tayong nananalig na hindi siya magkukulang sa kanyang pangako.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin mong karapat-dapat ang aming buhay sa iyo, O Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan na hayagang inuusig nawa’y mabigyan ng tapang at lakas upang manatili sa kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y magkaroon ng lakas at tapang na patnubayan ang kanilang mga anak sa pamamaraan ng pananampalataya at Kristiyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya at mga komunidad na pinaghihiwalay ng pagkakaiba ng relihiyon nawa’y matagpuan ang katotohanan at magpakita ng paggalang sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, at mga may kapansanan nawa’y tumanggap ng pag-ibig at pagkalinga mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y maging maligaya magpakailanman sa Kaharian ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak upang tulungan kami sa aming mga paghihirap. Kalingain mo kami sa aming mga sakit at bigyang lakas kami upang laging makatugon nang may pananalig sa iyong salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 32,489 total views

 32,489 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 78,212 total views

 78,212 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 80,422 total views

 80,422 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 152,623 total views

 152,623 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 162,904 total views

 162,904 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hunyo 18, 2026

 1,068 total views

 1,068 total views Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Sirak 48, 1-15 Salmo 96, 1-2. 3-4. 5-6. 7 Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

Read More »

Miyerkules, Hunyo 17, 2026

 2,643 total views

 2,643 total views Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 2, 1. 6-14 Salmo 30, 20, 21. 24 Magpakatatag ang tanang may tiwala

Read More »

Martes, Hunyo 16, 2026

 2,645 total views

 2,645 total views Martes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 17-29 Salmo 50, 3-4. 5-6a. 11 at 16 Poon, iyong kaawaan kaming

Read More »

Lunes, Hunyo 15, 2026

 5,050 total views

 5,050 total views Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 1-16 Salmo 5, 2-3. 5-6. 7 Panginoon, ako’y dinggin, pagbigyan sa aking

Read More »

Linggo, Hunyo 14, 2026

 4,335 total views

 4,335 total views Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 19, 2-6a Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan, kabilang sa kanyang kawan. Roma

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top